Vilma Santos may payo sa mga artistang tatakbo sa Halalan 2022 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Vilma Santos may payo sa mga artistang tatakbo sa Halalan 2022

Vilma Santos may payo sa mga artistang tatakbo sa Halalan 2022

ABS-CBN News

Clipboard

Vilma Santos IG
Mula sa Instagram ni Vilma Santos.

Sakripsyo ang kailangang maging puhunan ng mga artistang nagnanais pasukin ang mundo ng pulitika, ayon sa beteranang aktres at pulitiko na si Vilma Santos-Recto.

Sa panayam sa Cinema News, ipinaalala ni Santos na kung sakali mang manalo ang mga kasamahan sa showbiz sa Halalan 2022, dapat handa na umano ang kanilang sarili upang magserbisyo sa publiko.

“It's not going to be easy. It's really a sacrifice if you really want to serve. Sa lahat po ng colleagues ko na nag-file ngayon and interested na pumasok sa politics, good luck to you,” ani Santos.

“Sabi ko nga, kung kayo ay mananalo i-prepare n'yo po 'yung sarili n'yo to serve and to learn from the heart. 'Pag nangyari 'yun, fulfilled na kayo.”

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Naging emosyonal din ang isa sa mga kinikilalang haligi ng showbiz nang mapag-usapan ang kaniyang desisyon na huwag tumakbo sa kahit anong posisyon sa gobyerno sa darating na eleksyon.

Aniya, isa sa mga kinunsidera niya sa pagdedesisyon ay ang mga bagong panuntunan sa pangangampanya sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Santos, hindi niya kaya na hindi malapitan at mayakap ang mga tao, lalo na ang mga matatanda kapag lumapit ang mga ito sa kaniya.

“Sabi ng Comelec, bawal makipagkamay. Bawal humalik. Bawal yumakap. Walang physical contact. Sabi ko, papaano yun? Modesty aside, the Vilma Santos is still beside me. 'Yung artista nandito pa rin,” pahayag ni Star For All Seasons.

“I was just imagining, sabi kasi nila hindi pwedeng social media. You really have to go around the country. So 'pag pumunta ako sa ibang lugar, modesty aside merong lalapit sa 'kin na matatanda o bata. Lalo na matanda, oh my God, humahalik 'yan.”

Kung nais umano niyang maging epektibong lider, kakailanganin niya ang on-ground consultation na hindi maaaring basta-basta gawin ngayong may health crisis.

Isa pa sa iniisip ng aktres at outgoing congresswoman ng Batangas ay ang posibleng pagkakakuha ng COVID-19 o pagpasa nito sa publiko.

“Mahirap ito for me. Plus the COVID. You'll be nervous. Tutusukin lagi ilong mo... baka ako ang makapagbigay ng sakit sa kanila o sila ang makapagbigay sak 'in. Huwag na muna. I don't think this is the right time,” saad nito.

Abala ngayon sa pagba-vlog si Santos na madalas kasama ang anak na si Luis Manzano at asawa nitong si Jessy Mendiola.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.