PBB: Alexa Ilacad, nasaktan sa pagiging nominado sa eviction | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PBB: Alexa Ilacad, nasaktan sa pagiging nominado sa eviction

ABS-CBN News
Published Nov 09, 2021 03:32 PM PHT

MAYNILA -- "Ayaw ko pa pong umalis."
MAYNILA -- "Ayaw ko pa pong umalis."
Ito ang bahagi ng pahayag ni Alexa Ilacad matapos mapabilang sa mga nominado sa eviction sa "Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10" nitong Sabado.

Sa video na inilabas ng "PBB" nitong Lunes, sinabi ng aktres kay Kuya o Big Brother na naramdaman na niya na mapapabilang siya sa mga nominado ngayong linggo.

"Somehow I knew, I don't know why. Ayaw ko pa pong umalis dito sa bahay. No matter how much I miss the outside world, my family, and my loved ones, I still want to be here," pag-amin niya.
"Masakit siya Kuya marinig, but I chose to look happy," dagdag niya.

ADVERTISEMENT
Sa isang clip, inamin din ni Ilacad sa mga kasamahang housemate na nasaktan siya nang malamang ibinoto siya para maging nominado sa eviction.

"Noong narinig ko ang pangalan ko, ang sakit-sakit pero nakangiti ako... I am going to remain optimistic, but it hurts like hell," aniya.

Samantala, maliban kay Ilacad ay nominado rin sina Albie Casiño, KD Estrada, at Anji Salvacion.

Sa isang video na inilabas ng "PBB" nito ring Lunes, ibinahagi ng tatlo ang kanilang saloobin sa naganap na ikalawang nominasyon.

Pag-amin ni Estrada, hindi niya inaasahang iboboto ulit siya ng mga kasamahang housemate.

"Hindi ko po talaga ini-expect na ino-nominate po ako ulit. Sa totoo lang po, I felt a little bit disappointed with myself and I feel really bad that 'yung mga sumusuporta sa akin, they have to vote again to save me. I feel guilty," ani Estrada kay Kuya.

Dagdag niya: "It's part of the show. Kailangan po talaga. This time I cleared my head, I just told myself na it's okay na nominated ka ulit, just don't give up."

At katulad ni Estrada, dinamdam ng kanyang kaibigang si Salvacion ang pagiging nominado.

"Nagulat po, Kuya, and a bit sad din po. Pero I just keep in mind na everything happens for a reason po, nasa purpose po, and I don't blame anyone. Dapat po hindi ako malungkot kasi I know from the very first po why we signed up for this, why I am here: to learn po. Ako po talaga na tao ay very clingy po, baka hindi po talaga sila kumportable about that. So I'll adjust for them to be comfortable around me," ani Salvacion kay Kuya.

Tila naging maluwag naman ang pagtanggap ni Casiño sa nangyaring botohan.

"Out of the four nominees, I feel like I took it the best. Kuya, if I am being completely honest, [I feel] a little bit of relief. Ayaw ko pong umalis sa bahay niyo na parang quitter ang reason kung bakit ako umalis. Now, at least there's a chance that I leave the house through the natural way," pagbabahagi ng aktor kay Big Brother.

Napapanood ang “PBB” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, at TFC, at mayroon din itong 24/7 livestreaming sa Kumu.