John Wayne Sace, parte na ng 'Ang Probinsyano' | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

John Wayne Sace, parte na ng 'Ang Probinsyano'

John Wayne Sace, parte na ng 'Ang Probinsyano'

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA --- Balik-serye si John Wayne Sace bilang isa sa pinakabagong bituin ng "FPJ's Ang Probinsyano."

Nitong Lunes ng gabi, ipinakilala ang karakter ni Sace sa programa.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa serye, nagbabakasyon ang karakter ni Sace kasama ang misis nito. Palaisipan naman kung sino ang kapatid ng karakter ng aktor na namatay.

Pangako ng karakter ni Sace, pagbabayarin niya ang taong pumatay sa kanyang kuya.

ADVERTISEMENT

Nitong nakaraang buwan, sa pamamagitan ng vlog ni Ogie Diaz ay binalikan ni Sace ang masalimuot na pinagdaanan nang malulong siya sa ipinagbabawal na gamot, na naglagay sa kanya sa watchlist ng pulisya.

Bagama't mahirap, unti-unting pinilit ng aktor na makawala sa bisyo, kabilang na ang pag-iwas sa ilang mga kaibigan dahil alam niyang mahina siya sa temptasyon.

Naging motibasyon din ni Sace ang mga anak upang magsumikap na maitigil ang masamang gawi.

Napanood si Sace sa iba’t ibang palabas sa ABS-CBN kabilang na ang “Wansapanataym”, “May Bukas Pa,” “Guns and Roses,” at “Forevermore.”

Kinilala din ang husay ng aktor sa Metro Manila Film Festival noong 2002 sa pelikulang “Dekada ‘70.”

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

ad