John Wayne Sace, ikinuwento ang pagkalulong noon sa droga, karanasan sa kulungan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
John Wayne Sace, ikinuwento ang pagkalulong noon sa droga, karanasan sa kulungan

ABS-CBN News
Published Oct 06, 2021 05:45 PM PHT

Masalimuot man ang pinagdaanan noon, binalikan pa rin ng aktor na si John Wayne Sace ang kaniyang madilim na nakaraan, lalo na ang pagkakalulong sa droga na naglagay sa kaniya sa watchlist ng pulisya.

Sa vlog ng talent manager na si Ogie Diaz, ibinahagi ni Sace na nakaramdam siya ng pagkapraning nang nagpatuloy ang patayan sa mga ‘di umano’y sangkot sa iligal na droga.

“Na-praning kasi nagkakapatayan na tapos malapit lang sa kabilang barangay,” pag-amin ng dating aktor na minsan na ring napabalitang nabaril.

Ayon kay Sace, mahirap itigil ang bisyo kaya naaman kahit nakakaramdam ng pangamba ay nagpatuloy pa rin ito.
Ayon kay Sace, mahirap itigil ang bisyo kaya naaman kahit nakakaramdam ng pangamba ay nagpatuloy pa rin ito.
ADVERTISEMENT
“Hindi mo kasi siya matitigil kasi gusto mo lang itigil dahil napapraning ka. Hindi e. 'Yun pa nagbibigay ng lakas ng loob sayo,” sambit niya.

“Mahirap talaga. Kailangan libangin mo 'yung sarili mo sa ibang bagay. Kailangan 'pag sinabing ayaw ko, ayaw ko. Mag-focus ka sa ibang bagay... 'Yun 'yung makapagpapaiwas.”

Pag-amin pa nito, pumasok din siya sa rehab center ngunit hindi aniya ito nakatulong dahil paglabas nito ay balik pa rin ito sa dating gawi.

Ngunit unti-unti nitong pinilit na makawala sa bisyo kabilang na ang pag-iwas sa ilang mga kaibigan dahil alam niyang mahina siya sa temptasyon.

“Parang ayoko na lang din siyang maalala kasi parang trauma na lang din ‘yung nangyari sa akin. Nakabuti rin naman. Nagkalapit-lapit kaming magkakamag-anak na dati halos galit-galit din,” ani Sace.

Naging motibasyon din ni Sace ang mga anak upang magsumikap na maitigil ang masamang gawi.

“Ayoko dumating 'yung araw na 'pag malalaki na 'yung mga anak kong babae na madatnan nila 'yung tatay nila na ganito pa rin. Gusto ko naman maging proud sila sa 'kin,” pahayag niya.

Sa naturang vlog din ikinuwento nito na minsan na rin siyang nakulong dahil sa away pamilya.

Limang araw umano siyang namalagi sa loob ng selda kung saan nalaman niyang tila walang karapatan ang mga bilanggo.

Sa unang araw ng sa kulungan, sa tabi ng toilet bowl umano siya natulog dahil sa siksikan ang halos 30 katao sa napakaliit na selda.

Naranasan din niyang mawalan ng pera na halos nagtulak sa kaniyang mangholdap ng tao. Buti na lamang ay nakaramdam ito ng konsensya nang umiyak na ang biktima.

“Muntik na ako talagang mang-holdup dati. Ayan nandiyan na, babae. Nag-iiyak lang. Naglulupasay. Kasi kakasweldo lang nun. Alam namin ang swelduhan nun. Sabi ko, ’Tumayo ka na diyan.’ Tapos ‘yung kasama ko, nag-away kami,” saad ni Sace.

Napanood si Sace sa iba’t ibang palabas ABS-CBN kabilang na ang “Wansapanataym”, “May Bukas Pa”, “Guns and Roses,” at “Forevermore.”

Kinilala din ang husay nito sa Metro Manila Film Festival noong 2002 sa pelikulang “Dekada ‘70.”