Eddie Garcia, nagbigay saloobin sa usaping National Artist | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Eddie Garcia, nagbigay saloobin sa usaping National Artist

Eddie Garcia, nagbigay saloobin sa usaping National Artist

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Umani ng papuri sa beteranong aktor na si Eddie Garcia ang mga baguhang aktor na sina Tony Labrusca, Liane Valentin, at Henz Villaraiz sa kanilang naging pagganap sa pelikulang "ML" na muling nagbabalik sa mga sinehan ngayong Nobyembre 7.

Matatandaan na isa ang "ML" sa mga pelikulang napansin sa Cinemalaya Film Festival.

Ayon sa beteranong aktor, malayo ang mararating ng mga baguhang aktor na kanyang nakasama sa "ML."

"They're very professional, they come prepared on the set, very punctual and all of them will go places," papuring tugon ng beteranong aktor.

ADVERTISEMENT

Payo niya: "Be prompt, don't be a prima donna, be on time, prepared and love your job."

Samantala, labis din ang naging pasasalamat ni Eddie para sa patuloy na pagkilala sa kanya.

"Siyempre very excited when you win an award. Winning an award is bonus for a job well done," aniya.

Dahil sa hindi mabilang na kontribusyon sa larangan ng pelikula, hindi din naiwasan na maitanong kung ano ang kanyang saloobin kung iluluklok siya na maging isang National Artist.

"Well, it's up to them. Para sa akin kung ano ang dumating na grasya, tatanggapin ko," maikling pahayag ng beteranong aktor.

Sa ngayon balik-"Ang Probinsyano" ang aktor at excited din sa kanyang bagong pelikulang "Rainbows Sunset" na mapapanuod sa 2018 Metro Manila Film Festival.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.