Miyembro ng Sexbomb, nagbigay reaksyon kay 'Sexbomb Ivy' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Miyembro ng Sexbomb, nagbigay reaksyon kay 'Sexbomb Ivy'

Miyembro ng Sexbomb, nagbigay reaksyon kay 'Sexbomb Ivy'

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 06, 2018 08:04 PM PHT

Clipboard

MAYNILA -- Labis na ikinagulat ng ilan sa mga miyembro ng Sexbomb Girls ang napabalitang isang miyembro umano ng kanilang grupo ang nahuli nitong Lunes ng gabi dahil sa iligal na droga.

Ayon kay Mia Pangyarihan na isa sa orihinal na miyembro ng grupo, wala silang kasamahan na Ivy at hindi nila kilala ang babae sa retrato.

"Wala akong natatandaan na may naging ka-grupo ako na Ivy ang pangalan. Maraming nag-claim na Sexbomb pero siyempre po kilala ko lahat ng naging parte ng grupo ko dahil halos araw-araw kami nagkikita at nagkakasama sama... 'Di ko kilala 'yung pangalan niya at 'di rin familiar ang face niya," tugon ni Mia sa ipinadalang mensahe nito.

Gaya ni Mia, nagpaabot din ng mensahe ang isa pang miyembro ng Sexbomb Girls na si Aira Bermudez.

ADVERTISEMENT

"Sa tagal ko sa Sexbomb, kilala ko lahat ang naging members ng Sexbomb simula pa kila Ms. Rochelle Pangilian. Sa pagkakaalam ko, walang Ivy na naging Sexbomb," pahayag ni Aira sa ipinadalang statement nito.

Hiling lang din niya na hindi magamit sa hindi magandang paraan ang pangalan na kanilang pinaghirapan sa loob ng 20 taon.

"Sana lang po huwag natin i-claim na Sexbomb, kung hindi talaga naging member ng grupo, lalo na kung gagamitin ito sa maling paraan. At kung fan man siya ng Sexbomb, nagpapasalamat kami at isa siya sa napasaya namin," aniya.

Sa huli nilinaw din niya na walang ni isang Sexbomb dancer ang nasangkot sa hindi magandang gawain.

"Ang msasabi ko lang po ngayon, ang mga members ng Sexbomb ay masaya na at may sariling sariling buhay at pamilya. At Ivy, kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon, ipag-pray ka namin," pahayag pa ni Aira. -- Ulat ni Jeff Fernando, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.