Celebrity housemates wagi muli sa weekly task matapos ang ‘Takot Ang Pinoy’ musical

ABS-CBN News

Posted at Oct 30 2021 11:16 PM

Watch more News on iWantTFC

Sa ika-2 sunod na linggo, nagtagumpay muli ang celebrity housemates ng “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” sa kanilang weekly task kung saan bumuo sila ng isang Halloween special na musical play. 

Nagbunga ang paghahanda ng mga housemate para sa “Takot Ang Pinoy” musical na sila mismo ang gumawa ng props, sumulat ng kopya, at lumikha ng mga kanta. 

Pumalo sa 105,994 live viewers ang episode nitong Sabado upang manalo ang celebrity housemates sa kanilang second weekly task; 80,000 lamang ng pinagsamang viewers sa Facebook, YouTube at Kumu ang hiningi ni Big Brother. 

Nasa 43,896 ang sabay-sabay na tumutok sa pagtatanghal ng mga housemates sa Kumu habang 58,423 at 3,675 ang nanood sa YouTube at Facebook. 

Tampok sa nasabing musical ang pagmamahalan nina Kapre at Sirena na ginampanan nina Kyle Echarri at Alexa Ilacad.

Kapwa ipinakita ng dalawang artista ang husay sa pag-arte at pag-awit sa nasabing weekly task. 

Si Madam Inutz naman ang gumanap na Tiyanak sa palabas at anak nina Kapre at Sirena habang si Tiktik naman ang komedyanteng si Brenda Mage. 

Noong nakaraang linggo, panalo rin ang mga ito sa weekly task matapos magawang maibenta ng mga housemates ang lahat ng 500 items na ipinabebenta ni Big Brother sa Kumu. 

Panoorin ang "Takot Ang Pinoy" musical dito:

Watch more News on iWantTFC
Watch more News on iWantTFC
Watch more News on iWantTFC
Watch more News on iWantTFC