Celebrity housemates tagumpay sa first weekly task | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Celebrity housemates tagumpay sa first weekly task

Celebrity housemates tagumpay sa first weekly task

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nagbunga ang pagtutulungan ng mga celebrity housemate sa loob ng Bahay ni Kuya matapos mapagtagumpayan ang kanilang unang weekly task sa “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.”

Nagawang maibenta ng mga housemates ang lahat ng 500 items na ipinabebenta ni Big Brother sa streaming app na Kumu.

Sa pangunguna ng viral online seller na si Madam Inutz at komedyanteng si Brenda Mage, nabayaran lahat ng ibinentang items online na umabot sa kabuuang halaga na P21,740.

Kinakabahan pa sa simula ang mga housemates dahil idinaan ni Kuya sa ilang anunsyo ang pagbibigay ng update sa mga nabiling items.

ADVERTISEMENT

Unang update ay nasa 247 na items pa lamang ang nabayaran ng mga nag-mine na nadagdagan lamang ng 2 sa ika-2 update (249).

Lalong kinabahan ang mga celebrity housemate habang naghahanda ng pagkain ngunit muling nabuhayan nang umakyat sa 361 items ang bilang ng naibenta. Sa ikaapat na anunsyo, nasa 473 ang sold items.

Dito na nagtipon-tipon ang lahat sa harap ng telebisyon upang antabayan ang huling update na magsasabi kung nagawa ba nilang maabot ang 500 items na quota.

Sa huli, tagumpay ang mga ito dahil nabayaran ang lahat ng kanilang itininda sa Kumu.

“Mahirap po pala maging leader kasi meron pong kaniya-kaniyang opinyon ang bawat isa,” saad ng team leader na si Madam Inutz.

“Di porket ikaw ang leader ilalagay mo batas sa kamay mo, so dapat makinig ka rin,” pahabol naman ni Brenda.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.