John Arcilla, inalala ang ika-154 kaarawan ni Heneral Luna | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

John Arcilla, inalala ang ika-154 kaarawan ni Heneral Luna

John Arcilla, inalala ang ika-154 kaarawan ni Heneral Luna

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Ginunita ng aktor na si John Arcilla ang ika-154 kaarawan ng bayaning si Heneral Antonio Luna.

Si Arcilla ang gumanap na Luna sa pelikulang "Heneral Luna" na inilabas noong 2015.

Si Luna ang tinuturing na pinakamagaling na heneral ng bansa noong panahon ng digmaang Pilipino-Amerikano.

Sa kanyang YouTube channel nitong Huwebes, ipinagdiwang ni Arcilla ang kaarawan ni Luna sa pamamagitan nang pamamahagi ng iba't ibang papremyo.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nagbalik-tanaw din si Arcilla sa kanyang karanasan sa paggawa ng pelikulang "Heneral Luna."

"Actually noong una, hindi ko akalain na malaking pelikula siya. Akala ko isa lang siyang thesis ng mga estudanye. Mahilig akong tumulong sa mga estudyante sa thesis nila, sa mga film students... I was actually in New York, tinawagan nila ako, sabi ko makakauwi ako ng September o October ng 2013. They waited. ...Then nagpunta ako sa Artikulo Uno," ani Arcilla patungkol sa producer ng pelikulang "Heneral Luna."

Idinirehe ni Jerrold Tarog ang matagumpay na pelikula.

"When I saw the casting, ang laki ng casting. Then sabi ko hindi pala ito thesis kung hindi isang malaking-malaking pelikula. It's really comparable to the films na I've done with international productions," dagdag ni John.

Dagdag ni John, hindi niya akalaing magugustuhan ng mga manonood ang pelikula.

"Parang ang dating sa akin, ito audience power. Nung magustuhan ng mga mga audience sila na mismo ang nagsabi. Different actors, sila na ang nag-promote kahit hindi naman sila binabayaran para mag-promote. Sila Yeng Constantino, Vice Ganda, Joey de Leon, all over television networks. Sila Bitoy (Michael V), nagsasabi na panoorin niyo ito. 'Wow!' Sobrang naging word of mouth. Still it's the highest box office hit sa Philippines when it comes to historical film," ani John.

Malaki rin ang pasasalamat ni John sa lahat ng mga nanood at nagpakita ng suporta sa pelikula.

"Ang lagi kong sinasabi anuman 'yung natutunan natin sa pelikula, sana ay isapuso natin at gawin natin sa labas ng sinehan. Baka sa loob lang ng sinehan nagising ang ating pagka-Filipino pero paglabas natin ay nalimutan na rin natin. Parang naging isa na lang siyang inspirasyon. Pero kung inspirasyon siya, sana ay magawa natin sa labas ng sinehan. 'Yun ang pangarap ko para sa atin," ani Arcilla.

Nagbahagi rin si John sa binitawang salita noon ni Heneral Luna na akma pa rin sa mga nangyayari ngayon matapos ang higit 100 taon.

"One hundred years ago, sabi ni Heneral Luna, 'Mas mapagkakasundo mo pa ang langit at lupa kaysa dalawang Pilipino tungkol sa alin mang bagay,'" ani John.

"Dapat tayong mga Filipino ay nagsasabi na sandali lang makinig tayo sa isa't isa. Dapat isa lang ang kampo natin -- ang Pilipinas. Tayo. Isa lang ang simbolo ng pagka-Filipino natin -- ang ating bandila. Kahit anong mangyari pangarapin natin ang pagkakaisa," ani John.

Related video:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.