John Arcilla ng 'Heneral Luna,' may bagong misyon sa 'Ang Probinsyano' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
John Arcilla ng 'Heneral Luna,' may bagong misyon sa 'Ang Probinsyano'

ABS-CBN News
Published May 25, 2017 10:44 PM PHT

Siguradong magiging mas kapana-panabik ang mga susunod na episodes ng "Ang Probinsyano" dahil sa pagpasok ng beteranong actor na si John Arcilla.

Gagampanan ni Arcilla ang karakter ni Renato Lipolito, direktor ng National Defense Agency. Pangungunahan ni Renato ang pagsugpo sa mga rebelde na nagbabalak maghasik ng terorismo. Makakasama niya ang mga award-winning actors na sina Angel Aquino at Sid Lucero, na kapwa nagtatrabaho sa intelligence unit ng kanyang ahensya.

Matatandaang si Arcilla ang gumanap ng title role ng "Heneral Luna" noong 2015.

Humakot ang nasabing pelikula ng maraming awards sa loob at labas ng bansa. Ito rin ang highest-grossing Filipino historical film of all time matapos nitong kumita ng halos P200 million sa loob lamang ng apat na linggo.

Kabilang din sa bagong cast ng "Ang Probinsyano" sina Ejay Falcon, Mitch Valdez, Pokwang, Jhong Hilario at ang 1980s action movie icon na si Lito Lapid.

Sa bagong kabanata ng "Ang Probinsyano," may mga bagong kalabang makakaharap si Cardo (Coco Martin) na ngayon ay isa ng ama.

Tutukan ang mga susunod na episodes ng "Ang Probinsyano," gabi-gabi, pagkatapos ng "TV Patrol."