Vice Ganda, Awra Briguela ‘pinainit’ ang social media | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Vice Ganda, Awra Briguela ‘pinainit’ ang social media

Vice Ganda, Awra Briguela ‘pinainit’ ang social media

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA – Tila summer pa rin para kina Vice Ganda at Awra Briguela matapos maglabas ng mga litrato na naka-swimsuit.

Ikinatuwa ng maraming netizen ang bagong post ni Briguela kung saan makikitang magkasama sila ng kaniyang “nanay” sa showbiz na si Vice.

Idinaan din ni Briguela sa patawa ang kaniyang caption kung saan sinabi nitong ang tanging makakasama lamang sa kanilang dalawa ay ang mga marurunong magluto ng spaghetti – konektado ito sa viral scene nila sa pelikulang “Super Parental Guardians.”

Sa nasabing eksena, nagtapat ang mga karakter nina Vice at Awra sa paghahanda ng spaghetti para sa mga construction worker.

ADVERTISEMENT

Mabilis naman itong nakuha ng mga netizen kabilang na ang aktres at model na si Chie Filomeno na nagkomento pa ng parte ng linya sa naturang eksena.

Samantala, bumuhos naman ang fire at heart emoji sa comment box ng post ni Briguela dahil sa kanilang larawan.

“AAAAAHHH GAGANDAA,” komento ng isang fan.

Tinawag namang “queens” ng ilan pang netizens sina Vice at Briguela.

RELATED VIDEOS

Watch more News on iWantTFC

Watch more News on iWantTFC

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.