Boxing champ Luisito Espinosa, parte na ng 'Batang Quiapo' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Boxing champ Luisito Espinosa, parte na ng 'Batang Quiapo'

ABS-CBN News
Published Oct 25, 2023 12:07 PM PHT

MAYNILA -- Muling ipinakita ng dating world boxing champion na si Luisito Espino ang galing pagdating sa suntukan sa pagsabak niya sa seryeng "FPJ's Batang Quiapo" bilang isang dating boksingero.

Nitong Martes, ipinakilala na ang karakter ni Espinosa bilang si Roberto na tumulong kay Santino (Ronwaldo Martin), ang kapatid ng bidang karakter na si Tanggol (Coco Martin), na pinagtulungang bugbugin ng grupo ni Lawrence (Paolo Gumabao).

Sa serye, malapit sa totoong buhay ni Espinosa ang kanyang karakter bilang si Roberto na isa ring dating boksingero.

Sa programa, ipinakita ang paghingi ni Santino ng tulong kay Roberto na turuan siya ng boxing. Sa huli, pumayag din si Roberto para matupad ni Santino ang pangarap na maging magaling na boksingero.

Si Roberto ay housekeeper sa gym kung saan nagtatrabaho si Santino bilang isang janitor.

Si Espinosa ay tinaguriang "Lindol" ng Pinoy boxing noong dekada '90. Dati siyang boxing world bantamweight at featherweight champion.

Mapapanood ang "Batang Quiapo" mula Lunes hanggang Biyernes, alas otso ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5, iWantTFC at TFC.

Mga kaugnay na video:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT