Regine, 'certified Kapamilya' na | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Regine, 'certified Kapamilya' na
Regine, 'certified Kapamilya' na
ABS-CBN News
Published Oct 17, 2018 04:11 PM PHT
|
Updated Oct 17, 2018 10:00 PM PHT

"I am now a certified Kapamilya."
"I am now a certified Kapamilya."
Iyan ang pahayag na binitiwan ng "Asia's Songbird" na si Regine Velasquez nitong Miyerkoles sa pagpirma niya ng kontrata sa ABS-CBN, na nagpapatibay sa kaniyang paglipat sa Kapamilya network.

WATCH: Regine Velasquez-Alcasid belts “I am now a certified KAPAMILYA, woooooh” | via @mjfelipe #SongbirdReturnsToABSCBN pic.twitter.com/Iv13b7JAc3
— ABS-CBN News (@ABSCBNNews) October 17, 2018

LOOK: Regine officially signs exclusive Kapamilya contract with ABS-CBN Executives and she goes “This is it!” | via @mjfelipe #SongbirdReturnsToABSCBN pic.twitter.com/rAi1D6QTPf

Engrande ang naging pagsalubong kay Velasquez sa tanggapan ng ABS-CBN, na dinaluhan ng mga empleyado at executives ng kompanya, at ng mister niyang si Ogie Alcasid na nauna nang lumipat sa Kapamilya network.

Maluha-luha si Velasquez sa mainit na salubong.

ADVERTISEMENT
"Na-overwhelm ako eh saka medyo matagal kasi akong hindi nagsalita din so hindi ko alam... wala naman ako masyadong expectations na I didn't realize they were this happy to welcome me back," sabi ni Velasquez.

Kinumpirma ng pagpirma ng kontrata ang ilang linggo nang usap-usapan ukol sa paglipat ni Velasquez sa ABS-CBN.

Ayon kay Velasquez, sabik na siyang lumahok sa mga proyekto sa ABS-CBN, at makasama ang ilang mga bituin ng network gaya nina Sharon Cuneta, Gary Valenciano, at Martin Nievera.

Pinuri rin niya ang aniya'y mga magagaling na mang-aawit sa ABS-CBN gaya nina Jona, Angeline Quinto, KZ Tandingan, Morissette Amon, at Sarah Geronimo.

Bago nito, nauna nang ianunsiyo ang paglahok ni Velasquez sa pagtatanghal ng programang "ASAP" sa Sydney, Australia, na nakatakdang idaos sa Oktubre 20 sa ICC Sydney Theatre.

Unang sumikat si Velasquez noong dekada 80 nang magwagi sa mga singing contest na "Ang Bagong Kampeon" at "Asia-Pacific Song Contest."

Noong dekada ring iyon unang napanood sa ABS-CBN si Velasquez, noo'y 16 anyos, nang maging bahagi siya ng variety show na "Teen Pan Alley," kasama sina Janno Gibbs at Bing Loyzaga.

Lumabas din siya sa programang "Triple Treat" at nag-guest sa "Small Brothers" nina Gibbs at Alcasid.

Ilan lang sa mga kantang pinasikat ni Velasquez ang "Pangako" at "Tuwing Umuulan."

IBANG 'ASAP' STARS, SABIK MAKASAMA SI SONGBIRD
Sa pagtulak ng ilang Kapamilya stars noong Martes patungong Australia, inihayag nila ang pagkasabik na makasama at mapanood na magtanghal para sa "ASAP" si Velasquez, na nagsilbing inspirasyon para sa maraming kasalukuyang mang-aawit.

"I'm very excited kasi makakasama natin si Miss Regine Velasquez," sabi ni Erik Santos sa panayam ng ABS-CBN News.

"And alam kong buong Pilipinas, buong mundo ay naghihintay dito," dagdag ni Santos.

Ayon naman kay Jed Madela, "plus factor" ang makasama si Velasquez.

"Looking forward to the show, looking forward to performing with the Songbird," ani Madela.

Higit pa sa kaniyang dance number, si Velasquez din ang pinaka-inaabangan ni Kim Chiu sa "ASAP: Live in Sydney."

"Nilo-look forward ko talagang makita si Regine Velasquez sa 'ASAP' stage... Wala akong pakialam sa sayaw ko, si Regine Velasquez ako," ani Chiu.

--Ulat nina MJ Felipe at Ganiel Krishnan, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Regine Velasquez
Ogie Alcasid
ASAP
ASAP in Sydney
Kim Chiu
Jed Madela
Erik Santos
Kapamilya
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT