Meme goes to ‘Paris’: Vice Ganda muling bumisita sa alma mater na FEU | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Meme goes to ‘Paris’: Vice Ganda muling bumisita sa alma mater na FEU

ABS-CBN News
Published Oct 13, 2022 06:54 PM PHT

MAYNILA – Muling nagbalik-tanaw ang sikat na komedyante at host na si Vice Ganda sa paaralang humubog sa kaniya sa mahabang panahon – ang Far Eastern University (FEU).

Sa isang vlog, muling nagpunta si Vice sa nasabing unibersidad kasama ang mga barkadang sina Tonton, Kitty, at Orly upang balikan ang ilang mga alaala niya noong nasa FEU pa siya.

Ayon kay Vice, matagal siyang namalagi sa FEU dahil doon siya nag-high school at kolehiyo.

“Ang tagal ko sa college kaya dito na ako namahay,” ani Vice.
“Ang tagal ko sa college kaya dito na ako namahay,” ani Vice.
ADVERTISEMENT
Nag-ikot ang “It’s Showtime” host sa loob ng eskuwelahan kung saan binisita nito ang Freedom Park kung saan umano sila naglalaro ng football kahit pinagbabawalan ng guwardiya.

Dumaan din sila sa FEU Chapel kung saan minsang kumanta si Vice dahil na rin sa kaniyang guro sa Philosophy.

Pinuntahan din ni Vice ang isang parte ng paaralan kung saan siya tumatambay kasama ang mga kaibigan.

Kabisado pa ng komedyante ang mga opisina at pasikot-sikot sa FEU kagaya ng kantina na tinatawag nilang “Tayuman” dahil walang upuan.

Nakisalamuha rin si Vice sa ilang mga estudyante kung saan nanghingi pa ang mga ito ng ilang tips sa sikat na artista.

Isa si Vice sa mga kilalang alumnus ng FEU bukod pa sa mahabang listahan ng mga artista at atletang naging estudyante nito.

RELATED VIDEOS
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT