'FPJ's Ang Probinsyano,' nagdiriwang ng ika-5 anibersaryo | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'FPJ's Ang Probinsyano,' nagdiriwang ng ika-5 anibersaryo

'FPJ's Ang Probinsyano,' nagdiriwang ng ika-5 anibersaryo

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Limang taon na, Kapamilya!

Nagdiriwang ngayon ng ika-5 taon ang sikat na serye ng ABS-CBN na "FPJ's Ang Probinsyano" na pinagbibidahan ng aktor na si Coco Martin bilang si Cardo Dalisay.

Matatandaang unang umere sa ABS-CBN ang serye noong Setyembre 28, 2015.

Makalipas ang limang taon, patuloy pa rin ang programa sa pagbibigay ng aliw sa mas pinatindi nitong mga tagpo at mga bagong karakter.

ADVERTISEMENT

Sa social media, inilabas ng Dreamscape ang pagbati para sa anibersaryo ng sikat na serye.

"Sama sama pa rin nating haharapin kahit ano pang pagsubok ang dumating. Happy Anniversary, mga Ka Probinsyano! #FPJAP5TuloyAngLaban," ayon sa caption nito.

Sa kani-kanilang social media accounts ay inalala rin ng ilan sa mga bituin ng serye tulad nina John Prats, Bianca Manalo at Lorna Tolentino ang anibersaryo ng programa.

Sa Instagram, naging bukas din ang aktor na si Rowell Santiago sa pagpapasalamat sa pagkakataon na maging parte ng "Ang Probinsyano."

"Malaking pasasalamat ko sa lahat ng bumubuo nang programang 'FPJ's Ang Probinsyano' magmula sa ABS-CBN, Dreamscape, sa mga director, staff at crew, mga naging kasamahan kong artista noon at ngayon, higit sa lahat sa aming bida na si Coco Martin sa tiwalang binigay nila at pakikisama kaya hanggang ngayon narito pa rin po ako na nagbibigay buhay kay President Oscar Hidalgo at kay Mariano na mas makikilala niyo sa mga susunod na episodes," ani Rowell.

ADVERTISEMENT

"Sa pagdiriwang nang ika-5 taon ng aming programa, tuloy ang laban para magbigay kami nang aliw sa gitna nang pandemyang nararanasan natin sa ngayon. Maraming salamat sa lahat nang sumusubaybay sa amin at patuloy namin gagawin ang aming pinangako sa inyo 'In the Service of the Filipino.' To God be the glory. Mabuhay po tayong lahat. Ano mang pagsubok ay kaya nating lampasan," dagdag ni Rowell gamit ang hashtag na #tuloyanglaban.

Nagpahatid din ng pagbati ang isa pang bituin ng programa na si John Arcilla.

"Happy anniversary, mga ka-Probinsyano! Lima na tayo! God bless everyone!" ani John.

Ngayong Lunes, tila malalagay sa panganib ang buhay ng isa sa mga kasangga ni Dalisay na si Diana Olegario (Angel Aquino).

Tuloy naman ang plano ni Lito (Richard Gutierrez) na tuluyang makuha si Alyana (Yassi Pressman) sa asawa nitong si Cardo.

ADVERTISEMENT

Noong nakaraang linggo lang ay ipinakilala na rin ang bagong karakter na si Macoy (Seth Fedelin).

Mapapanood ang "FPJ's Ang Probinsyano" mula Lunes hanggang Biyerne sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo sa cable tv at sa bagong iWantTFC.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.