PANOORIN: Karakter ni Seth Fedelin, pinakilala na sa 'Ang Probinsyano'

ABS-CBN News

Posted at Sep 23 2020 01:15 PM

MAYNILA -- Ipinakilala na ang bagong karakter na ginagampanan ng aktor na si Seth Fedelin sa sikat na serye ng ABS-CBN na "FPJ's Ang Probinsyano" na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Nitong Martes, nag-krus na ang landas ni Macoy (Fedelin) at bidang karater ng serye na si Cardo Dalisay (Martin).

Si Macoy ang makakasama nina Cardo at iba pang miyembro ng Task Force Aguila sa pag-aalaga at pagbabantay ng mga kabayo sa hacienda na pag-aari ni Lito (Richard Gutierrez).

Sa kanilang unang paghaharap ay ipinakita na ni Macoy ang interes sa buhay ni Cardo at mga kasamahan nito.

Bago pa ang paglabas niya sa serye, nauna nang nagbahagi si Fedelin tungkol sa kanyang karakter.

"Ang character ko po rito, ako po si Macoy, isa pong binatang probinsiyano. Si Macoy ay may ambisyon siya sa buhay niya, may pangarap siya. At ang pangarap niya ay maging pulis kagaya nina Cardo. Kaya doon po magmumula ang interes niya sa grupo ni Cardo," aniya.

Ayon kay Fedelin, malaking biyaya para sa kanya ang pagkakataon na maging bahagi ng "FPJ's Ang Probinsyano."

"Siyempre po masaya kasi another blessing para sa akin. Masaya dahil mayroon akong makikilalang mga bagong tao, bagong kaibigan," aniya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Seth Fedelin (@imsethfedelin) on

Dagdag ni Fedelin, iba rin ang saya niya na makasama si Martin.

"Nakaka-proud na nakasama ako rito sa 'Ang Probinsyano.' Siyempre sobrang saya na nakasama ko si Kuya Coco. At si Kuya Coco eh hindi lang basta pupunta ka para lang mag-taping. Kahit sa likod ng camera ay kakausapin ka niya. A-advice-an ka niya ng mga technique. Tutulungan ka niya. Napakabuting kuya po ni Kuya Coco," ani Fedelin.

Matatandaang bago ang "Ang Probinsyano" ay isa si Seth sa mga bida ng seryeng "Kadenang Ginto" nito lamang Pebrero.

Narito ang naging unang paghaharap nina Cardo at Macoy sa seryeng "FPJ's Ang Probinsyano" na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng "TV Patrol" sa Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live.

Watch more in iWantTFC


 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.