Pinoy, lumabas sa patok na Korean series na 'Squid Game' | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pinoy, lumabas sa patok na Korean series na 'Squid Game'

ABS-CBN News
Published Sep 23, 2021 03:34 PM PHT
|
Updated Sep 23, 2021 08:55 PM PHT

MAYNILA — Trending ngayon sa social media ang bagong Korean series na "Squid Game."

Sinusundan ng naturang palabas, na mapapanood sa Netflix, ang mga taong baon sa utang at naimbitahang maglaro ng 6 na larong pambata.

Kapag nanalo sa mga laro ay makakapag-uuwi ang mga kalahok ng malaking pera, pero buhay naman ang kapalit kapag natalo.

Isa sa 456 players sa series ay ang South Korea-based Filipino actor na si Christian Lagahit, na dati nang lumalabas sa mga Korean drama.

ADVERTISEMENT
Lumabas si Lagahit sa Episode 4 bilang Player 276.

Sa kaniyang Instagram account, nagbahagi si Lagahit ng ilang retrato sa set at kasama ang ilang co-star ng series.

Bago ang "Squid Game," lumabas din si Lagahit — na isang English teacher sa Korea — sa Korean sci-fi film na "Space Sweepers."

Umabot na rin sa "It's Showtime" ang usapang "Squid Game."

Nitong Huwebes, ipinakilala ng noontime variety show ang segment na "Squid Game: Extra Life," kung saan magtutunggali sa challenges ang ilang artista tulad nina John Lapus at Hero Angeles.

Noong Lunes, kabilang ang "Squid Game" sa mga top trending topic sa Twitter Philippines, patunay sa pagiging patok ng serye sa Filipino audience.

— May ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News
RELATED VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT