Kier Legaspi, inalala ang namayapang ama na si Lito Legaspi

ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2019 01:03 PM

MAYNILA -- Kasunod ng pagpanaw ng beteranong aktor na si Lito Legaspi, isang maramdaming pag-alala naman ang ibinahagi ng kanyang anak na si Kier Legaspi.

Sa isang Instagram video, ibinahagi ni Kier ang kanyang mensahe para sa namayapang ama.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ~ cняιsтσρнεя кιεя ℓεgαsρι ~ (@kier_legaspi) on

"Pa, thank you very much. Alam ko minsan or madalas, hindi tayo nagkakaintinidhan. Pero natutuwa ako dahil kahit hindi tayo nagkakaintindihan, mayroong Diyos na pumapagitna sa atin," ani Kier.

"Dahil kung kaunawaan mo Pa, kaunawan ko, pareho tayong tao, hindi tayo perfect. So hindi tayo magkakaintindihan. Pero kung Diyos ang nasa gitna, mangyayari’t mangyayari pag ipinagkaloob niya."

Si Lito ang ama nina Zoren at Kier Legaspi.

Taong 1959 nang nagsimula sa pag-arte si Lito na nakilala bilang matinee idol ng Sampaguita Pictures. Naging bahagi pa siya ng Kapamilya teleserye na "FPJ's Ang Probinsyano" noong 2017.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.