Beteranong aktor na si Lito Legaspi, pumanaw na

ABS-CBN News

Posted at Sep 09 2019 11:22 AM | Updated as of Sep 09 2019 12:21 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Pumanaw na ang beteranong aktor na si Lito Legaspi sa edad na 77.

Cardiac arrest ang ikinamatay ng aktor at base sa ulat, nakaramdam ng paninikip ng dibdib si Lito at isinugod sa Cardinal Santos Memorial Medical Center.

Si Lito ang ama ng mga aktor na sina Zoren at Kier Legaspi.

Taong 1959 nang nagsimula sa pag-arte si Lito na nakilala bilang matinee idol ng Sampaguita Pictures.
 
Naging bahagi pa si Lito ng Kapamilya teleserye na "FPJ's Ang Probinsyano" noong 2017.
 
-- Umagang Kay Ganda, Setyembre 9, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.