'Salamat sa 'yo': Mura, may mensahe para sa kaibigang si Mahal | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Salamat sa 'yo': Mura, may mensahe para sa kaibigang si Mahal

'Salamat sa 'yo': Mura, may mensahe para sa kaibigang si Mahal

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 01, 2021 08:46 PM PHT

Clipboard

Mahal at Mura
Screenshot mula sa vlog ni Mygz Molino

Hindi akalain ni Mura o si Allan Padua sa totoong buhay na ang pagbisita ng matalik na kaibigang si Mahal sa kanilang bahay sa Guinobatan, Albay noong nakaraang buwan ang magiging huling pagkikita nila.

Nang malaman ni Mura ang sinapit ni Mahal o si Noemi Tesorero, hindi siya agad makapaniwala.

"Sabi ko maniwala kayo, diyan fake news lang 'yan, tapos nalaman ko nga dun sa nagba-vlog sa akin dito na totoo nga. Tinanong ko nga siya kung saan nakuha ang balita, sabi niya... nag-post ang kapatid na si Irene," ani Mura.

Labis ang pagkabigla ni Mura lalo't wala naman siyang alam na iniindang sakit si Mahal.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

"Hindi ko pa maiisip na 'yun ang mangyayari sa kanya. Ang lakas-lakas niya pa nang pumunta dito, 'yung 'di ko alam kung paano ko paniniwaalaan eh bigla eh. Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam, Ang saya saya namin dito eh," dagdag nito.

Ngunit ayon kay Mura, tila may premonisyon na ang kaibigan nang bumisita ito sa kanila.

"Sabi niya sa akin, 'Huwag kang mag-alala, Mura. Kahit ano pasensyahan mo na itong konting tulong ko pero kahit matanda na ako'... Sabi nga niya, 'Kahit wala na ako tutulungan pa rin kita.' Parang kakaiba di ba parang 'yung namamaalam ka sa akin na ganon, dinaan lang namin sa biro-biro 'yun," kuwento pa niya.

Paglalahad pa ni Mura, plano sana siyang sunduin ni Mahal ngayong buwan para sa gagawing vlog at ilang proyekto sa Maynila.

"Meron na sana kaming gagawin lalo na pelikula, eh hindi ko pa talaga siya nakasama sa pelikula sa mga ano lang gag show sa TV kasama ko siya pero sa pelikula never ko pa siyang nakasama," pag-amin ni Mura.

Maging ang ama ni Mura na si Juanito Padua at mga kabarangay nito ay nabigla rin sa nangyari kay Mahal. Unang beses nilang nakita ng personal si Mahal nang bumisita ito sa kanilang barangay.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Mahirap pa para kay Mura na tanggapin ang pamamaalam ni Mahal. Labis na pasasalamat ang nais niyang ipaabot sa kaibigan lalo't ito ang unang kaibigan niya sa showbiz na bumisita sa kanya sa Bicol matapos ang matagal niyang pamamahinga sa industriya.

"Mahal, sana masaya ka sa iyong paroroon at nagpapasalamat ako sa 'yo at pinuntahan mo ako dito. Binigyan mo ako ng tulong. At sa mga kamag-anak niya, nakikiramay ako, gustuhin ko man na pumunta diyan pero papaano, mahirap ngayon eh. Pasensya na po," sambit ni Mura.

Noong 2013 pumasok sa showbiz si Mura kung saan niya nakilala si Mahal matapos mag-tandem sa mga TV shows.

Pumanaw nitong Martes si Mahal dahil umano sa digestive complications at COVID-19. -- Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.