Kapamilya Online Live 24/7 nang mapapanood sa Pilipinas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Showbiz

Kapamilya Online Live 24/7 nang mapapanood sa Pilipinas

Kapamilya Online Live 24/7 nang mapapanood sa Pilipinas

MJ Felipe,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 03, 2021 07:13 PM PHT

Clipboard

Nang ipagkait ng Kongreso ang prangkisa ng ABS-CBN noong nakaraang taon, inilunsad ng Kapamilya network ang Kapamilya Online Live (KOL), kung saan libreng napanood ng mga loyal viewer ang mga palabas ng istasyon online.

Sa unang anibersaryo ng KOL ngayong Agosto, inanunsiyo ng ABS-CBN na 24/7 o buong araw at buong linggo nang mapapanood nang libre ang mga palabas ng network sa Pilipinas.

Maa-access na rin umano ito sa higit 180 bansa.

Napapanood ang KOL sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel na may 35.5 miylong subscribers, pinakamarami sa Southeast Asia. Mayroon namang 72.8 milyong unique viewers ang naturang YouTube channel.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isa sa mga umaani ng record-breaking concurrent views o iyong sabay-sabay na nanonood ang seryeng "FPJ's Ang Probinsyano."

"'Pag nalalaman namin na ang daming nanonood sa YouTube na mga tao, na sumusuporta pa rin sa amin, para kaming nasa langit kasi 'yong sulit na sulit 'yong hirap na pinagdadaanan namin," kuwento ni Coco Martin, bida ng "FPJ's Ang Probinsyano."

Isa pang pinagpapasalamat umano ng Kapamilya network ay ang Gold Award na ginawad sa ABS-CBN ng Reader's Digest Most Trusted Brand Awards 2021.

Kinilala ang excellence at innovation ng network mula nang shutdown nito noong isang taon.

Sa ikatlong taon naman, hinirang na Most Trusted Entertainment/Variety Presenter si Vice Ganda.

Ayon sa "It's Showtime" at "Everybody Sing" host, pinagpapasalamat niya ang pagkilala at magiging inspirasyon ang parangal para sa patuloy niyang misyon na pasayahin ang mga manonood.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.