PANOORIN: Bagong music video ng ‘Kapamilya Forever’ | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PANOORIN: Bagong music video ng ‘Kapamilya Forever’

PANOORIN: Bagong music video ng ‘Kapamilya Forever’

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Bilang pasasalamat sa mga patuloy na sumusuporta sa ABS-CBN, inilabas nitong Lunes ang bagong music video ng awiting “Kapamilya Forever” tampok ang mga bigating artista na nananatili pa rin sa network.

Kasunod ito ng pag-alala sa tuluyang pagpatay ng Kongreso sa prangkisa ng ABS-CBN isang taon na ang nakakaraan.

Nauna nang ipinarinig ang remix version ng “Kapamilya Forever” sa “ASAP Natin ‘To” noong nakaraang Linggo kung saan idinagdag na sa awitin ang mga katagang “Andito Kami Para Sa ‘Yo” at “Andito Kami Dahil Sa Inyo” na paalala sa patuloy na serbisyo ng ABS-CBN sa publiko.

Pinangungunahan ng mga batikang mang-aawit sa industriya na sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Zsa-Zsa Padilla, at Gary Valenciano ang nasabing kanta.

ADVERTISEMENT

Nandoon din sa music video sina Erik Santos, Angeline Quinto, Klarisse de Guzman, at Darren Espanto bukod pa sa hanay ng mga aktor at aktres ng Kapamilya network.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nauna nang naglabas ng thanksgiving video ang ABS-CBN noong Hulyo 10 kung saan ipinakita ang ilan sa mga loyal Kapamilya na nagpahayag ng kani-kanilang mensahe ng suporta sa network.

“Andito pa rin ang ating tahanan dahil pinatuloy niyo kami sa inyong mga puso. Andito pa rin ang mga ngiti dahil sa ligaya ng nadarama 'pag tayo ay magkakasama,” ayon sa video.

"Ang ating ABS-CBN mananatiling nandito."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.