JC Alcantara, magiging tapat na Kapamilya | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

JC Alcantara, magiging tapat na Kapamilya

JC Alcantara, magiging tapat na Kapamilya

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Malaki ang pasasalamat ng aktor na si JC Alcantara sa Kapamilya network.

Sa "Inside News" ng Star Magic nitong Miyerkoles, sinabi ni Alcantara na ang ABS-CBN ang tumupad sa kanyang mga pangarap, dahilan kung bakit nanatili siyang Kapamilya sa gitna ng kawalan ng prangkisa ng network.

Watch more in iWantv or TFC.tv

"Ang ABS-CBN po talaga ang nagbigay sa akin ng liwanag sa buhay ko. Ang laki ng utang na loob ko sa ABS-CBN. Lahat ng pangarap ko, ABS-CBN ang nagbukas," aniya.

"Sila 'yung talagang... pangalawang pamilya ko na ito eh. Talagang mahal na mahal ko ang ABS-CBN, hindi ko ito iiwan. Noong dati, 'yung walang-wala ako nitong pandemic, hindi nila ako pinabayaan. Sila 'yung talagang binuhay ako. 'Yung mga gamit ko, na-invest ko sa kanila ito," dagdag ni Alcantara.

ADVERTISEMENT

Ayon sa aktor, sukli niya sa lahat ng nagawa ng ABS-CBN ay ang kanyang katapatan.

"Ang maibibigay ko na lang ay 'yung loyalty ko sa management ko. At 'yung pagmamahal, respeto. Babalik tayo, mag-wait wait lang tayo. Babalik tayo, guys," aniya.

Matatandaang isa sa mga nakilalang personalidad ngayong panahon ng lockdown si Alcantara.

Isang RISE artist, nakilala ang aktor sa kanyang naging pagganap sa boys' love (BL) series na "Hello Stranger."

Kamakailan lang ay pumirma rin si Alcantara ng kontrata bilang Star Magic talent.

Maliban sa pag-arte, tinupad din ni Alcantara ang pangarap na maging recording artist sa paglabas ng kanyang debut single.

Related video:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.