Jim Paredes at Boboy Garrovillo ng APO, naging emosyonal sa pag-alala kay Danny Javier | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Jim Paredes at Boboy Garrovillo ng APO, naging emosyonal sa pag-alala kay Danny Javier

ABS-CBN News
Published Jul 04, 2023 04:27 PM PHT

MAYNILA -- Naging emosyonal ang pagbabalik-tanaw nina Boboy Garrovillo at Jim Paredes sa namayapa nilang kasamahan sa APO Hiking Society na si Danny Javier.

Pumanaw si Javier sa edad na 75 noong Oktubre 31, 2022.

Kuwento ni Paredes sa "Magandang Buhay" nitong Martes, nagkapatawaran sila ni Javier sa mga bagay na hindi nila noon napagkasunduan.

"A day before he died, I visited him because we hadn't talked in so long... I held his hand, hindi na siya makasalita puro tubes and everything. Tapos sabi ko, 'Danny, kung anuman ang pinag-awayan natin, I've forgiven you a long time ago, please forgive me.' Sabi ko, 'If it's a yes, one grip; if it's two, no.' So he said yes. And I keep kissing his hand, hinalikan ko pa siya sa forehead. Tapos sabi ko sa kanya alam mo between Boboy, you and I we can all be witnesses against each other. Tapos kinanta ko 'yung song ng Beatles. I can see in his eyes may luha siya pero nakatawa. That Danny look na alam mo na feel niya," ani Paredes.

"It was so awkward ikuwento dahil pareho kaming lalaki, pero sabi ko, 'I love you, I love you," dagdag ni Paredes.

Kuwento naman kay Garrovillo, kasama niya ang kanyang misis nang nagtungo siya sa ospital para bisitahin si Javier.

"Since the early days talaga, barkada-barkada namin ng wife ko si Danny. Like Jim also, I was talking to him, holding his hands, kissed him in the forehead. Tapos sabi ko, 'Huwag ka magugulat, magdadasal muna tayo.' Tapos I prayed with him," ani Garrovillo.

Maliban sa pagiging henyo sa musika, isang mapagbigay na tao kung ilarawan nina Garrovillo at Paredes si Javier.

"Yung creative process ni Danny, ako naututwa sa kanya. Kasi kapag gumawa siya ng kanta, parang spur of the moment lang. He was very spontaneous. Tapos ang natutunan ko sa kanya 'yung skills niya sa English, sa Filipino, sa Bisaya. Siya lang ang Bisaya na dumating sa Ateneo, sabi namin, 'Bakit ang galing mag-English nito?' Tapos nung sumusulat na kami
ng kanta ang galing din mag-Filipino. Sa akin ang natutunan ko, kung may talent ka gamitin mo," ani Garrovillo.

"He is the most intuitive artist I knew. In fact, gagawa 'yan ng kanta let's say 'Pumapatak Na Naman ang Ulan,' you better record it right away because the next day he won't remember it. Hindi niya maaalala. Ang dami niyang ginagawa. Let's say one lunch break, 'Jim pakinggan mo 'to' yung assistant ko pa ang naggigitrara. Ginawa niya 'yung 'Lumang Tugtugin.' 'Ang ganda-ganda nito ah, record na natin bukas.' Sabi ko sa assistant ko, 'I-record mo na, kasi hindi na niya maalala bukas.' Ganun si Danny," kuwento naman ni Paredes.

Sa ngayon ay ipinagpapatuloy nina Garrovillo at Paredes ang pag-awit. Nang matanong kung ano ang pakiramdam na magtanghal na wala na si Javier, sagot ni Paredes: "You will learn to realize, as in life, that you must get out of your comfort zone and you must walk the unknown. 'Yun ang ginagawa namin ni Boboy, minsan parts ni Danny kinakanta namin."

"Take the lead voice, take the lead voice, eh 'di galingan mo mag-vocalize ka. Hopefully we are sounding just as good," dagdag naman ni Garrovillo.

Nakatakdang ipagdiwang nina Garrovillo at Paredes ang ika-50 taon ng APO Hiking Society sa pamamagitan ng isang concert.

Ang "The Apo Hiking Society: 50 Years The Concert" ay magaganap sa Hulyo 15 at 16 sa Hyundai Hall, The Arete at Ateneo de Manila University sa Quezon City.

Kaugnay na mga video:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT