Star Cinema, 'Star Hunt' sanib-puwersa sa paghahanap sa susunod na Darna | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Star Cinema, 'Star Hunt' sanib-puwersa sa paghahanap sa susunod na Darna

Star Cinema, 'Star Hunt' sanib-puwersa sa paghahanap sa susunod na Darna

ABS-CBN News

Clipboard

Eskultura ng Darna ng Halimaw! Sculptures katuwang ang ABS-CBN. Facebook: Halimaw Sculptures

Kasunod ng pagbibitiw ni Liza Soberano sa papel na Darna, magkakaroon ng malawakang paghahanap para sa susunod na gaganap sa Pinay superhero, ayon sa isang opisyal ng production outfit na Star Cinema.

Ayon kay Star Cinema managing director Olivia Lamasan, nakipag-tie up sila sa programang "Star Hunt" para sa nationwide search sa susunod na Darna.

"For all we know, mayroong mga undiscovered talents diyan sa tabi-tabi, sa sulok-sulok dito sa Pilipinas, and of course we wouldn't want to leave any stone unturned," ani Lamasan.

Ayon kay Lamasan, ilang sikat na ang sumubok na mag-audition pero gusto pa rin nilang maging bukas sa iba.

ADVERTISEMENT

"We've had several auditions from our very own artists from Star Magic, nagpatawag na rin kami from several talent scouts, casting agencies," ani Lamasan.

"In fact, nagkaroon na rin ng shortlist si Direk Jerrold Tarog but we would want to keep the field open," aniya.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ayon kay Laurenti Dyogi, head ng TV Production sa ABS-CBN, magsisimula ang "Darna Hunt" sa Mayo 4 at Mayo 5 sa ABS-CBN Center Road.

"Exciting 'yan kasi kung bago rin naman 'yong artistang makukuha natin baka naman iba ang energy na nandun," ani Dyogi.

Pero walang katiyakan aniya na sa "Star Hunt" audition makukuha ang susunod na Darna.

"Ito lang ay isang pagkakataon para sa ating mga kababayan na umapela na sila ang tamang Darna," ani Dyogi.

Sa mga susunod na linggo iaanunsiyo ang iskedyul ng "Star Hunt" auditions sa ibang probinsiya para sa susunod na Darna.

Inihayag noong Abril ni Soberano ang pag-atras sa pelikulang "Darna" matapos madurog ang bahagi ng buto sa kaniyang hintuturo.

Mayo 2017 nang tanggapin ni Soberano ang papel na Darna, kapalit ni Angel Locsin.

Kabilang sa mga sikat na matunog para sa papel sina Kathryn Bernardo, Maja Salvador, Nadine Lustre at Pia Wurtzbach.

-- May ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.