Angela Ken, ikinagulat ang pagkakasama sa Gold Squad Plus ng ‘ASAP’ | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Angela Ken, ikinagulat ang pagkakasama sa Gold Squad Plus ng ‘ASAP’

ABS-CBN News
Published Apr 23, 2021 02:31 PM PHT

Isang buwan matapos pormal nang maging parte ng ABS-CBN Music, ikinabigla ng TikTok sensation na si Angela Ken ang pagkakabilang niya sa Gold Squad Plus ng Sunday variety show na “ASAP Natin To.”

Sa media launch ng Squad Plus, labis ang kasiyahan ni Angela sa panibagong oportunidad sa kaniyang karera sa showbiz.

“Unexpected talaga tapos nakakataba ng puso na pinagkatiwalaan nila ako at binigyan ng oportunidad na ipakita 'yung talent ko and 'yung totoong personality ko sa maraming tao. And nakaka-blessed din kasi binigyan kami ng opportunity ni Lord kaming apat and the rest ng Squad Plus,” saad ng bagong mang-aawit.

Unang napansin ang folk-pop artist nang mag-viral ang kaniyang “Ako Naman Muna” video sa video-sharing app na pumalo sa higit isang milyong likes.

Wala naman umano sa intensyon ni Angela na magiging sikat ang isinulat na kanta, lalo pa’t ang iniisip lamang niya noon ay kung paano makapagbibigay ng pag-asa sa mga tao sa gitna ng pandemya.

“It’s not just based on my experience, it’s also based sa lahat ng na-o-obserbahan ko ngayon pandemya na ba’t pa ako makikisabay sa problema ng mundo kung puwede ako gumawa ng paraan para mabigyan ng hope 'yung mga tao,” ani Angela.

Wala rin umano siyang balak sanang tapusin ang kantang “Ako Naman Muna” na inilabas niya sa TikTok ngunit dahil sa mga sumuporta rito, nagkaroon siya ng inspirasyon para buuin ang awitin.

“When I released that on Tiktok, I was about to let go of the song kasi hindi ko na alam paano siya tatapusin. Grabe talaga si Lord. 'Yung mga tao 'yung nagbigay sa akin ng inspirasyon para tapusin 'yung kantang 'yun,” dagdag pa niya.

Hindi lamang basta tungkol sa pag-ibig ang kanta ni Angela dahil maging mga Pinoy na nagtatrabaho sa ibang bansa ay nagustuhan ang awitin.

“'Yung pagod ka na pero hindi ka nag-iisa. Kasi marami talagang nakikita ko rin na maraming OFWs na talagang nami-miss nila 'yung pamilya nila na nandito sa Pilipinas. Nalulungkot sila kasi feeling nila nag-iisa sila doon,” paliwanag nito.

“Hindi lang sa isang certain situation ma-fi-fit 'yung kantang 'yun but also to OFWs, in general madaming tao ang makaka-relate na they are not alone and someone loves them talaga.”

Pumirma nitong Marso ng kontrata si Angela, 18, sa Star Music at Star Magic, ang talent agency ng ABS-CBN.