TINGNAN: Tanggol, Mokang sumabit sa dyip sa Maynila | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TINGNAN: Tanggol, Mokang sumabit sa dyip sa Maynila

TINGNAN: Tanggol, Mokang sumabit sa dyip sa Maynila

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 18, 2023 07:26 PM PHT

Clipboard

Nakuhanan ni Mores Heramis ang pagsabit sa dyip nina Coco Martin at Lovi Poe.
Nakuhanan ni Mores Heramis ang pagsabit sa dyip nina Coco Martin at Lovi Poe.

MAYNILA – Patuloy ang pakikipagsapalaran sa buhay nina Tanggol (Coco Martin) at Mokang (Lovi Poe) sa lungsod ng Maynila.

Ikinatuwa ng maraming taga-Maynila nang makita ang mga bida ng hit TV series na “Batang Quiapo” na sina Martin at Poe na nakasabit sa isang dyip malapit sa Manila City Hall nitong nakaraan.

Makikita sa mga larawan na nakasabit ang dalawang bida kasama ang grupo ni Tanggol sa pampasaherong dyip na byaheng Quiapo-Sta. Mesa.

Tila parte ito ng mga kinukunang eksena para sa programa ng ABS-CBN na nakasentro sa buhay ni Tanggol sa kilalang lugar sa Maynila.

ADVERTISEMENT

Nakuhanan ni Mores Heramis ang pagsabit sa dyip nina Coco Martin at Lovi Poe.

Nakuhanan ni Mores Heramis ang pagsabit sa dyip nina Coco Martin at Lovi Poe.

Nakuhanan ni Mores Heramis ang pagsabit sa dyip nina Coco Martin at Lovi Poe.

Nakuhanan ni Mores Heramis ang pagsabit sa dyip nina Coco Martin at Lovi Poe.

Nakuhanan ni Mores Heramis ang pagsabit sa dyip nina Coco Martin at Lovi Poe.

Bukod sa tumitinding mga eksena sa serye, inaabangan din ng maraming manonood ang patuloy na pangungulit ni Tanggol kay Mokang.

Noong nakaraang linggo, tagumpay itong nakadalo sa debut ni Mokang matapos mapalayas si JP (Dino Imperial) sa pagtatangkang abusuhin ang debutante dahilan para maisayaw niya ito sa 18 roses.

Sa kanilang pagsasayaw, nagbati na ang magkababata at nagpasalamat si Mokang sa pagtatanggol laban kay JP.

Hindi naman naging swabe ang lahat nang dumating ang mga taga-Tondo na siningil si Edwin (Ping Medina) para mapalaya si Bochok (Crazymix).

Walang maibigay si Edwin kaya't si Tanggol na ang humarap sa mga magnanakaw, na nauwi na naman sa gulo.

Mapapanood ang "FPJ's Batang Quiapo" mula Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5, iWantTFC at TFC.

RELATED VIDEO:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.