Zsa Zsa ibinahagi ang 'balakid' sa kasal kay Conrad | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Zsa Zsa ibinahagi ang 'balakid' sa kasal kay Conrad

Zsa Zsa ibinahagi ang 'balakid' sa kasal kay Conrad

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 13, 2019 02:25 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Matapos ma-annul o mapawalang-bisa ang kaniyang kasal sa unang asawa, laking gulat ni Zsa Zsa Padilla nang malaman na "kasal" pala siya sa isang Hapon, na umano'y naging balakid sa wedding nila ng fiance na si Conrad Onglao.

"Ang totoo kasi niyan talaga, kasal ako. Sa iba. Na hindi ko kilala," nakagugulantang na rebelasyon ni Padilla.

Kuwento ni Padilla, kukuha na sila ng rekisito sa pagpapakasal noong 2017, nang biglang may madiskubre sila.

"Hindi ako nabigyan ng CENOMAR (Certificate of No Marriage Record), sabi ko bakit. Tapos may nakalagay dun Esperanza Padilla married to a Japanese guy... Of course that's not me, alangan namang ikasal ako 1992, eh kakapanganak ko lang kay Zia (Quizon) ng 1991," sabi ng mang-aawit.

Isang Hapon ang sinasabing pinakasalan ni Padilla sa Maynila noong 1992, ayon sa dokumento.

ADVERTISEMENT

"Chineck ng registrar, lumabas 'yung papel at may marriage certificate... I was shaking, I cried right then and there, humagulgol ako and I said how can this be?"

Sinubukan nilang i-trace ang lalaki online, pero nabigo sila.

Nagpatulong rin sila Padilla at Onglao sa Department of Foreign Affairs (DFA) pero hindi rin sila nagtagumpay dahil pribadong tao raw ang tinutukoy.

"I also found out, the time we got married nasa Amerika kami ni Dolphy and the Japanese was in Japan," sabi ni Padilla.

Mahigit isang taon ding tinrabaho ni Padilla ang pagpapawalang-bisa sa sinasabing kasal at ngayon ay maayos na daw lahat.

Kaya ngayon, tuloy na tuloy na ang kasal nila ni Onglao.

"Gusto ko talaga tatayo lang kami sa huwes, or very simple marriage in church... We're trying to look for a date in between our schedules," ani Padilla.

—Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.