Zsa Zsa Padilla, nais maging simple ang kasal nila ni Conrad Onglao

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Apr 12 2019 11:16 AM | Updated as of Apr 12 2019 11:42 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Hurado sa "Tawag ng Tanghalan" at napapanood sa "ASAP Natin 'To" si Zsa Zsa Padilla.

At ngayong 2019, babalikan ni Zsa Zsa, na huling napanood sa "Wildflower," ang pag-arte sa teleserye. 

Ngayon, muling aarte si Zsa Zsa sa "Love Thy Woman" na nagkaroon ng story conference kamakailan.

Naitanong dito kay Zsa Zsa kung kailan na ba ang kasalan nila ni Conrad Onglao.

Ayon sa Divine Diva, pipiliin nila ni Conrad ang pribado at maliit na seremonya.

"We're trying to fix something very, very... ano lang, very private and very simple... Probably here lang, gusto namin simple," aniya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Zsa Zsa Padilla (@zsazsapadilla) on

Sa darating na Holy Week, out of the country ang bakasyon ni Zsa Zsa kasama ang mga mahal sa buhay.
 
"We're already booked for Japan [with the family]," aniya.

Inaasahan na pasabog ang magiging pagbabalik-serye ng Divine Diva na marami na ang nakaabang.


 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.