PatrolPH

Dahil sa Vespa: Vice Ganda nagpaturo kay Ion Perez mag-scooter

ABS-CBN News

Posted at Apr 06 2021 09:34 PM

Dahil sa Vespa: Vice Ganda nagpaturo kay Ion Perez mag-scooter 1
Screenshot mula sa vlog ni Vice Ganda

Sinamantala ni Vice Ganda ang pananatili sa kaniyang bahay nang magpaturo itong gumamit ng scooter sa kaniyang nobyo na si Ion Perez dahil sa planong bumili ng motorsiklo. 

Sa bagong vlog ng komedyante at host ng “It’s Showtime”, sinabi nitong nagbabalak siya bumili ng Vespa, isang brand ng scooter, na ayon sa kaniya Y nakakabata umano. 

“Gusto ko magmotor-motor, di ba nakaka-cute. Nakakabagets,” ani Vice. 

Ngunit payo sa kaniya ng Perez, dapat muna itong matuto mag-motor bago bumili. Dito naisipan ni Vice na magpaturo muna sa nobyo na mag-scooter. 

“Di ako makabili [ng Vespa] kasi di naman ako marunong magmotor. Sabi ni Ion, bago raw ako bumili mag-aral muna ako kahit sa scooter lang,” tugon ni Vice. 

Mabilis namang pumayag si Perez na may nakatago pang protective gear para sa siko at tuhod ng komedyante.

Nagsimula ang kanilang training sa loob mismo ng bahay ni Vice kung saan hindi nawala ang kakulitan ng host at paglalambing sa boyfriend. 

Nag-aalangan pa sa simula ang “Unkaboggable” star dahil baka umano tumama siya sa salamin ngunit sinigurado ni Perez na sasaluhin niya ito. 

“Hindi, sasaluhin kita. Hahabulin kita,” saad ni Perez na unang nakilala bilang “Mr. Escort” sa noontime show ng ABS-CBN.

Mabilis natutunan ni Vice ang paggamit ng scooter. Nang lumabas pinag-aralan na rin niya kung paano lumiko. 

Panoorin ang kabuuan ng video rito: 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.