‘Huwag Kang Mangamba’ isang paalala para lumapit sa Diyos, ayon kay Dominic Ochoa | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘Huwag Kang Mangamba’ isang paalala para lumapit sa Diyos, ayon kay Dominic Ochoa

‘Huwag Kang Mangamba’ isang paalala para lumapit sa Diyos, ayon kay Dominic Ochoa

ABS-CBN News

Clipboard

Galing sa Instagram ni Dominic Ochoa

Bukod sa pagbibigay ng aliw at libangan para sa mga manonood, binigyang-diin ng aktor na si Dominic Ochoa na ang bagong serye na “Huwag Kang Mangamba” ay isang paalala sa publiko ng kahalagahan ng pagdarasal at paglapit sa Diyos.

Ginamit ng aktor bilang halimbawa ang mga naging pagsubok sa kanyang buhay noong nakaraang taon upang patotohanan ang kahalagahan ng pagpapakumbaba sa Panginoon.

“Natataon na ginawa ng ABS-CBN ito and I’m very thankful na medyo sensitive ang ABS at ang Dreamscape sa paggawa at pagbuo ng ganitong storya. It’s basically inspiring people to seek the Lord, seek His grace,” ayon kay Ochoa.

Nasangkot noon sa aksidente si Ochoa bago nawalan ng palabas noong nakaraang taon. Bukod pa ito sa pangambang dulot ng pandemya at ang pagpapa-shutdown sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, nanalig lamang ang aktor, na isa sa mga cast ng “Huwag Kang Mangamba,” sa Diyos.

“I got into an accident, I lost a show last year, and then nagkaroon ng pandemic. Parang ang daming pumapasok sa utak mo tapos may (ABS-CBN) shutdown pa tayo. But alam mo, lahat 'yan dinasal ko and at the end of the day, linuhod ko 'yan sa Diyos, iniyakan ko 'yan sa harap ng simbahan,” pagbabahagi niya.

“We’re here to entertain people but we’re here also para ilapit din, we’re being used by the Lord also.”

Natutuwa rin aniya si Ochoa na makita na ang mga Kapamilya na nawalan ng trabaho dahil sa hindi pagpirma ng Kongreso sa prangkisa ng network noong 2020 ay unti-unting bumabangon at nagdarasal.

“Unti-unti tayong nag-hi-heal, unti-unti tayong dinadala. 'Yan 'yung rason kung bakit tayo nagkaroon ng show na ‘to, itong ‘Huwag Kang Mangamba.’ Binabalik natin at pinapaalala natin sa ating mga manonood, not just to entertain but to remind them maybe we should stop and sit down and pray,” aniya.

Hindi ito ang unang beses na nakasama ang aktor sa inspirational series ng ABS-CBN at Dreamscape. Matatandaang lumabas na rin si Ochoa sa “May Bukas Pa” at “100 Days To Heaven.”

Target naman umano ngayon ng bagong palabas ang mga teenager na tila abala na sa social media tulad ng TikTok.

“Ito naman ang kaibahan nito, teenagers naman ang sasakupin natin. Maraming millennial, madaming dapat nating intindihin, maraming dapat ding ilapit sa Diyos. Sa dami ng nangyayari sa atin, sa ka-busy-han ng tao mag-TikTok...so I guess natataon itong pagbuo ng story nitong ‘Huwag Kang Mangamba’ sa mundo, na huwag tayong matakot,” saad ni Ochoa.

“Kailangan lang nating umupo, at mag-isip, at magdasal, at humingi ng tawad, maybe, or lumapit sa Diyos dahil nandidiyan siya para pakinggan tayo.”

Mapapanood tuwing weekdays ang “Huwag Kang Mangamba” sa Kapamilya channel, Kapamilya Online Live sa Facebook, TV5, iWantTFC, at TFC.

RELATED VIDEOS:
https://www.youtube.com/watch?v=0wnYap0pmY4
https://www.youtube.com/watch?v=-gyx4m4COsI
https://www.youtube.com/watch?v=sH5vLVYDh3M

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.