Angeline Quinto, ibinahagi ang bigay na pag-asa ng ‘Huwag Kang Mangamba’ | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Angeline Quinto, ibinahagi ang bigay na pag-asa ng ‘Huwag Kang Mangamba’

Angeline Quinto, ibinahagi ang bigay na pag-asa ng ‘Huwag Kang Mangamba’

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Aminado si Angeline Angeline na nakakalimutan niya ang lungkot dahil sa pagiging parte niya ng seryeng "Huwag Kang Mangamba."

Sa serye, ginagampanan ni Angeline ang karakter ni Darling, isang mapagmahal na anak sa kanyang ama na si Caloy (Soliman Cruz) may-ari ng isang barberya.

"Alam mo 'yon before ang pangamba ko talaga baka 'di ko magawa ng maayos ang pagiging si Darling dahil sa mga nangyari last year, hindi ba? Alam niyo naman 'yon. Pero dahil sa 'Huwag Kang Mangamba' talagang mas ano, nakalimutan ko 'yung paano 'yung malungkot na Angeline dahil sa trabaho ko ngayon," ani Angeline nitong Lunes ng gabi, Marso 29 sa "Huwag Kang Mangamba: The Live Gap Show."

Matatandaang Nobyembre noong nakaraang taon nang pumanaw ang kinilalang ina ni Angeline na si Sylvia "Mama Bob" Quinto.

ADVERTISEMENT

Ayon pa kay Angeline, napapanahon ang serye na hatid ay inspirasyon at pag-asa sa mga manonood.

"Siguro nawawalan sila ng pag-asa dahil sa mga nangyayari sa paligid natin ngayon. Pero dahil sa 'Huwag Kang Mangamba' ako mismo napalaking pag-asa ang naibibigay sa akin bilang si Angeline na lahat ito kung talagang maniniwala tayo kay Bro ay talagang dadaan lang, kumbaga lilipas din lahat ito," ani Angeline.

Labis naman ang pasasalamat ni Angeline sa lahat ng kanyang mga tagahanga na ipinapakita ang kanilang suporta sa kanyang pinakabagong proyekto.

Halos gabi-gabi ay trending sa Twitter ang karakter ni Angeline na si Darling.

"Siyempre natutuwa ako talaga at sobra akong nagpapasalamat sa kanila. Sa mga taong every night talaga ay inaabangan ang 'Huwag Kang Mangamba. Sobrag ini-enjoy ko kasi si Darling," ani Angeline.

"Unang-una, sobra 'yung pagmamahal ni Darling sa tatay niya which is ganoon si Angeline kay Mama Bob. Magkaiba lang dahil tatay eto nanay. Alam mo minsan naiisip ko parang lock-in taping namin kasi, minsan ang tagal. Two weeks mahigit ganyan.

"Pero sa loob ng mahigit dalawang linggo na 'yon, mas nakikilala ko yung mga katrabaho ko. Sobrang lahat parang iisang pamilya talaga."

Ayon kay Angeline, ang karakter niya at ni Cruz sa serye ay dalawa lamang sa mga karakter na nagbibigay saya sa kuwento.

"Kami 'yung nagpapa-lighten up ng kuwento ng istorya. Kasi kapag sa side namin sa amin ni Papang talagang magaan lang ang lahat," ani Angeline.

Ang "Huwag Kang Pangamba" ay pinagbibidahan nina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Seth Fedelin at Kyle Echarri.

Ang "Huwag Kang Mangamba" ang pinakabagong inspirational series ng ABS-CBN na hango sa kanta ng worship musical group na Bukas Palad Music Ministry, na likha naman ni Fr. Manoling Francisco.

Tampok din sa serye sina Eula Valdes, Mylene Dizon, Mercedes Cabral, Diether Ocampo, Enchong Dee, Matet de Leon, Dominic Ochoa, at RK Bagatsing.

Mapapanood ang “Huwag Kang Mangamba” pagkatapos ng "FPJ's Ang Probinsyano" sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, TFC, Kapamilya Online Live, iWant TFC, WeTV, at iflix.

Related video:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.