Janine Gutierrez, na-starstruck ka-eksena ang inang si Lotlot de Leon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Janine Gutierrez, na-starstruck ka-eksena ang inang si Lotlot de Leon

Janine Gutierrez, na-starstruck ka-eksena ang inang si Lotlot de Leon

ABS-CBN News

Clipboard

Galing sa Instagram ni Janine Gutierrez

Inamin ng Kapamilya actress na si Janine Gutierrez na labis siyang kinabahan sa mga eksena niya kasama ang inang si Lotlot de Leon sa pelikulang “Dito At Doon.”

Hindi umano niya maipaliwanag kung bakit nahirapan itong umarte sa harapan ng beteranang aktres na nakatrabaho niya sa unang pagkakataon.

“Kinabahan ako eh. Mas kinabahan ako. Ewan ko ba. It was hard for me. I don’t know. Mas na-feel ko siya nung napapanood ko na. Even kasi with my siblings, lahat kami 'pag papasok si mama tapos parang alanganin 'yung sitwasyon, 'yung kapatid ko umiyak or ganyan,” ani Gutierrez na bibida sa pelikula kasama si JC Santos.

Dagdag pa niya, nakaka-starstruck umano ang kaniyang nanay at mas nasanay itong pinapanood lamang kaya may halong kaba nang sila na ang magka-eksena.

ADVERTISEMENT

“While shooting it, parang kinakabahan ako. Parang tinulungan talaga ako ni Direk JP (Habac) sa eksena na 'yun. Na-sa-starstruck siguro ako sa nanay ko,” pahayag ni Gutierrez.

Pakiramdam umano ni Gutierrez, kailangan niyang paghusayan upang maging proud sa kaniya ang ina. Sa kabila nito, nag-enjoy naman umano siya sa kanilang trabaho.

“Parang feeling ko I have to step up kapag si mama 'yung ka-eksena ko dahil nga nanay ko siya and lahat naman ng ginagawa ko ay para maging proud siya. On one hand, it’s easier dahil nanay ko siya,” kuwento pa nito.

“On the other hand, it’s hard kasi nanay ko siya. Pero it was very fun. Na-appreciate ko na talagang ginawan niya ng paraan na magawa niya 'yung pelikula sa schedule niya at lahat.”

Ibinahagi rin ng 31-anyos na aktres na marami sa kanilang eksena ay sumasalalim kung paano talaga bilang isang ina si De Leon sa kaniya sa totoong buhay kagaya ng pagtatanong kung sino ang lalaki sa buhay niya.

Si De Leon ang gaganap na nanay ni Gutierrez sa palabas kung saan isa itong medical frontliner.

“Ganun talaga siya tumingin sa totoong buhay. Marami talagang naka-relate so iba talaga 'yung mga nanay no? May psychic powers sila. Alam nila kapag meron kang iniibig,” ayon kay Gutierrez.

Nakatakdang ipalabas ngayong Marso 31 ang kanilang pelikula ni Gutierrez sa mga digital platform kagaya ng KTX.ph, iWant TFC, Cinema '76 @ Home, Upstream, at Ticket2Me.

Related videos:

Watch more in iWantv or TFC.tv

Watch more in iWantv or TFC.tv

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

Veteran comedian Matutina passes away at 78

Veteran comedian Matutina passes away at 78

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 14, 2025 05:00 PM PHT

Clipboard

Matutina in an interview with Julius Babao. Babao/YouTube

Veteran comedian Evelyn Bontogon-Guerrero, more popularly known as Matutina from the '70s show "John en Marsha," passed away on Friday, Valentine's Day.  

She was 78.

The comedian succumbed to acute respiratory failure, her family said. 

Matutina is one of the beloved cast members of "John en Marsha," which starred Dolphy and Nida Blanca.

ADVERTISEMENT

In an interview on Julius Babao's vlog last year, the comedian opened up about dealing with osteoporosis and revealed that she had been undergoing dialysis for almost a decade.

 

Read More:

Matutina

|

obituary

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.