‘Guest o regular?’: Housemates nababahala sa pagpasok ng 2 house players | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
‘Guest o regular?’: Housemates nababahala sa pagpasok ng 2 house players

ABS-CBN News
Published Mar 01, 2022 11:45 PM PHT
|
Updated Mar 02, 2022 08:44 AM PHT

Habang parami na nang parami ang lumalabas sa “Pinoy Big Brother”, inaakala ng 7 natitirang adult housemates na nalalapit na ang pagtatapos ng kompetisyon.

Ngunit, muli silang ginulat ni “Big Brother” sa pagpasok nina Jannene Nidoy at Marky Miranda na magsisilbing house players sa loob ng bahay.

Sina Nidoy at Miranda ang naatasan ni Kuya na tumulong para mas mapalabas ang totoong pagkatao ng mga natitirang kalahok sa reality series ngunit hindi nila dapat malaman na sila ay panandaliang bisita lamang.

“Kakampi nyo po kami Kuya para mapalabas yung tunay nilang ugali, maganda man yan o pangit,” ani Nidoy.
“Kakampi nyo po kami Kuya para mapalabas yung tunay nilang ugali, maganda man yan o pangit,” ani Nidoy.
ADVERTISEMENT
Sa pagpasok ng dalawa, nakaisip naman ang mga housemates na pakulo bilang pagsalubong sa bagong makakasama sa loob ng bahay.

Pinaghanda ng pagkain ng mga ito sina Nidoy at Miranda ngunit sa simula ay hindi sila nagsasalita pero pinagsisilbihan ang dalawa.

Makalipas ang ilang minuto, inamin din nila na prank lamang ang kanilang ginagawa.

Nang usisain ang mga bagong pasok, nalaman ng mga housemate na regular adult contestants ang mga ito na lalong nagpakaba at nagpagulo sa isipan nila.

Anila, iniisip nila matatapos na ang kanilang edisyon ngunit tila may panibagong twist si Kuya na maaaring maglagay sa kanila sa alanganin.

Nagkausap-usap ang mga natitirang adult housemates at pinag-iisipan maigi kung guest players lamang ang dalawa o talagang banta sila sa kanilang posisyon para sa Final 5.

Para kay Zach Guerrero, hindi patas na saglit lamang ang pananatili ng mga ito sa bahay ngunit may pag-asa pa silang makaabot sa dulo ng laban.

Mapapanood ang “PBB” araw-araw sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, at TFC. Mayroon din itong 24/7 livestreaming sa Kumu.