Namumuong kompetisyon sa mga P-pop group? MNL48 nag-react | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Namumuong kompetisyon sa mga P-pop group? MNL48 nag-react

ABS-CBN News
Published Feb 26, 2021 09:23 PM PHT

Sa pag-usbong ng iba pang mga P-pop group sa bansa, hindi maalis na ipagkumpara ang mga ito sa isa't isa.

Kaya naman sa media conference ng grupong MNL48, hindi nakaligtas ang mga ito sa tanong kung may namumuo bang kompetisyon sa kanila at sa iba pang P-pop groups tulad ng BGYO at SB19.

Bagamat hindi tahasang sinagot ang tanong, binigyang diin ni sentro ng grupo na si Abby Trinidad na ang higit pa sa kompetisyon ang hangad ng MNL48.

"Lahat naman ng groups, we have the same goals which is to make other people happy and inspire them. Siguro the love na nabuo sa MNL48 sa first generation pa lang hanggang ngayon sa third generation, hindi niyo na matatanggal sa MNL48. And of course yung parang na-touch na natin yung other people’s lives. Yun ang pinaka-goal ng MNL48,” tugon nito.

Katatapos lamang mabuo ng third-generation group ng MNL48 at sabik na ang mga miyembro nito sa mga bagong proyekto ngayong taon.

Para naman kay Jamie Alberto, hindi lamang sa pagtatanghal at pag-arte sila maaalala ng mga fans kundi maging sa nag-aalab na interes sa kanilang trabaho.

“MNL48 really has its heart for what we’re doing. Not only are we skilled in performing, acting, and everything but andun talaga yung puso, yung pag-blaze ng fire within us. The journey isn’t easy,” paliwanag ni Alberto.

Ibinahagi naman ng isa pang miyembro ng grupo na si Sheki Arzaga ang kanilang sikreto kung bakit nananatiling matatag ang kanilang samahan.

“Una sa lahat kaya kami nagkakasundo kahit big girl group kami kasi ‘yung strong love namin for each other kasi ang dami naming pinagdaanan, bondings, madaming nadapa, madaming nag-rise,” ayon kay Arzaga.

“‘Yung love namin for each other pantay-pantay siya, equal sa lahat kaya siguro nagkakasundo kami. Kaya pag nag-performance kami para talaga kaming pamilya.”

Nang tanungin kung paano nila ang minsa’y kompetisyon sa loob mismo ng kanilang grupo, ayon kay Alberto, mas inuuna nilang tingnan na grupo sila at hindi ang pansarili lamang na interes.

“As a teenager, it’s normal to really feel insecure at times. However iniisip na lang namin at the end of the day that we have one mindset and that is to reach the top. Because we are a group, we are not individuals. So whatever we do will affect the whole group. That’s our mindset,” saad nito.

Nito lamang Pebrero 20, napili si Abby Trinidad bilang center girl ng grupo matapos makakuha ng pinakamaraming boto sa mga fans.

"Grabe! Kapag suot ko ang korona na ito parang bitbit mo talaga 'yung MNL48. I am so very happy po and overwhelmed po dahil sa ibinigay na suporta ng MNLoves at ng mga taong sumusuporta sa akin dahil sila po ang dahilan kung bakit ako nandidito," ani Trinidad.

Related video:
ADVERTISEMENT
'FPJ's Batang Quiapo' may bagong record na lampas 1-M concurrent online viewers
'FPJ's Batang Quiapo' may bagong record na lampas 1-M concurrent online viewers
ABS-CBN News
Published Feb 22, 2025 08:28 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Panalo ang pelikulang “Sunshine” na pinagbidahan ng Kapamilya actress na Maris Racal sa Berlin International Film Festival. Gumawa naman ng bagong record ang patok na seryeng 'FPJ's Batang Quiapo' ng Primetime King na si Coco Martin! Yan at iba pang showbiz balita sa pagpapatrol ni Anna Cerezo. TV Patrol, Sabado, 22 Pebrero 2025

Read More:
TV Patrol
Star Patrol
FPJ's Batang Quiapo
Coco Martin
1-M concurrent online viewers
Sunshine
Maris Racal
Berlin International Film Festival
Sosyal Climbers
Incognito
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT