Bakit naghiwalay sina Sunshine Cruz at Macky Mathay? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bakit naghiwalay sina Sunshine Cruz at Macky Mathay?

ABS-CBN News
Published Feb 03, 2023 01:26 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
MAYNILA -- Ang kawalan ng tiwala ang dahilan ng aktres na si Sunshine Cruz kung bakit nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ni Macky Mathay.

Sa naging panayam sa kanya ni Boy Abunda, sinabi ni Cruz na ang mga anak nila sa mga dating karelasyon ang dahilan kung bakit tahimik siya sa pagtatapos ng kanilang pagsasama.

“Mga anak niya napamahal sa akin at mga anak ko na napamahal kay Macky," ani Cruz.

“Nag-decide ako na maging quiet na lang kasi hindi naman talaga alam ng publiko kung ano ’yong pinagdadaanan namin o kung ano ’yong pinagdaanan ko. Parang ang feeling ko, Tito Boy, hindi na dapat talaga ma-involve ang publiko dito," dagdag ng aktres.

Ayon sa aktres sa kabila, hindi lang pag-ibig ang importante sa isang relasyon.

“Ang na-realize ko lang dito sa relationship and even with my ex-husband Cesar (Montano), tatlo ang importanteng bagay sa relationship. Hindi lang love, dapat nandoon ang trust, nandoon ang respect. Kapag mayroong isang nawala doon it’s not going to work," paliwanag ni Cruz.

“And sa edad kong ito, I’m 45 years old, hindi na dapat pinapatagal. Of course, you give chances. ...Of course masarap magkaroon ng second chance. Of course, you give your second chance, third chance, hanggang 10th pa nga na beses magbibigay ka. Pero at the end of the day, you wake up one day at mare-realize mo na wala ng patutunguhan ’yong relationship. You just have to be thankful for the years you’ve been together, naging maganda ’yong pagsasama niyo, na nagmahalan kayo, naging inspirasyon kayo sa isa’t isa," aniya.

Nang matanong sa kung ano sa tatlong elemento ng matibay na relasyon ang nawala kung bakit sila naghiwalay ni Mathay at maging ni Montano noon, sagot ng aktres: "Trust. Dati? Trust din."

Ayon kay Cruz, may mga bagay na talagang hindi itinadhana.

"I just have to believe, I’m sure na mayroong ibang plano si God para sa akin. Kung anuman ’yon, hihintayin ko. Kung dumating, okay lang. Ang importante nandiyan ang mga anak ko. Mahal ako ng mga anak ko. Doon na lang nagpo-focus ako. I have work, hindi ako nawawalan ng proyekto, and that’s all that matters. I am blessed," ani Cruz.

Nang matanong naman kung may third party ba sa naging hiwalayan nila ni Mathay, tugon ng aktres: “Parang wala ako sa posisyon na magsalita tungkol diyan.”

Matatandaang nagsimulang umingay ang balitang naghiwalay na sina Cruz at Mathay nitong Setyembre matapos mapansin ng netizens na hindi na nila sinusundan ang isa't isa sa social media.

Kaugnay na video:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT