JM de Guzman ipinasilip ang naipundar na condo unit | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

JM de Guzman ipinasilip ang naipundar na condo unit

JM de Guzman ipinasilip ang naipundar na condo unit

ABS-CBN News

Clipboard

Mula sa vlog ni JM de Guzman
Mula sa vlog ni JM de Guzman

MAYNILA – Sa mahabang panahon, nangungupahan lamang ang aktor na si JM de Guzman ng condominium unit simula nang maging artista.

Kaya naman masaya nitong ibinahagi sa kaniyang vlog na nakapagpundar na siya ng sarili nitong tirahan.

Sa inilabas na condo tour nitong Disyembre, ipinakita ng aktor ang kaniyang magiging bagong tahanan na may tatlong kuwarto.

Ginagawa pa ang nasabing unit nang ipasilip ni De Guzman ngunit mababatid na excited na ito na lumipat sa sariling bahay.

ADVERTISEMENT

Isinama pa ng aktor ang engineer ng kaniyang condo unit kung saan ipinakita nila ang dining area at master bedroom.

Nauiw naman sa katatawanan ang condo tour ng aktor nang makailang ulit lokohin ng kapatid niyang si Matthew at kapareha nito tungkol sa pagiging single niya at sa kaniyang height.

Isa rin sa ibinida ni De Guzman ang magiging view nito sa kaniyang sala at kuwarto lalo pa’t puno ng salamin ang kaniyang unit.

Muli aniya niyang ipapakita ang nasabing property kapag natapos na ito at may mga kasangkapan na.

Magbabalik-teleserye ang aktor sa ABS-CBN matapos mapabilang sa cast ng palabas na “Linlang.” Makakasama niya rito sina Kim Chiu, Maricel Soriano, at Paulo Avelino.

KAUGNAY NA BALITA

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.