'PBB': Adult housemates, wagi sa unang hamon ni Kuya | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'PBB': Adult housemates, wagi sa unang hamon ni Kuya

ABS-CBN News
Published Jan 04, 2022 11:23 AM PHT

MAYNILA -- Nagtagumpay ang adult housemates ng "Pinoy Big Brother: Kumunity" sa unang hamon na ibinigay sa kanila ni Kuya o Big Brother.

Sa video na inilabas ng "PBB" nitong Lunes, ipinakita kung paano ang ginawang diskarte nina Thamara Alexandra, Zach Guerrero, Seham Daghlas, Aleck Iñigo, Michael Comaling, Isabel Laohoo, Laziz Rustamov, Gin Regidor, Nathan Juane at Raf Juane para sa unang task nila bilang bagong housemates.

Para sa kanilang unang hamon, kailangang makatuntong at makabalanse ang lahat ng housemates sa isang giant balance platform na korteng eroplano nang hindi bababa sa 10 segundo. Hindi rin maaring dumikit ang pakpak ng eroplano o anumang bahagi ng kanilang katawan sa sahig.

Dahil matagumpay sila sa kanilang unang hamon ay pinayagan na ang housemates na makasama sa flight sa "Big Brother Airlines."

Matatandaang sinundan ng adult edition ang katatapos lang na celebrity edition kung saan sina Alyssa Valdez at Anji Salvacion ang hinirang bilang Top 2 celebrity housemates.

Mapapanood ang "PBB" sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC, at TFC, mayroon din itong 24/7 livestreaming sa Kumu.

Related video:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT