'11.11' order sa online store, dumating na may kasamang 2 ahas | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'11.11' order sa online store, dumating na may kasamang 2 ahas

ABS-CBN News
Published Nov 18, 2021 05:50 PM PHT

Umorder ng isang folding bed ang customer na si Are Jhae Libunao mula Mariveles, Bataan sa isang online shopping store.

Tinaon niya ang pag-order sa "11.11" sale ng naturang site.

Pagkaraan ng dalawang araw, dumating na kaagad ang order, pero ikinagulat nila ang kasama ng produkto.

"'Yung item daw pagbukas niya may nakita siyang ahas, hindi lang isa, 2, isang maliit at isang malaki, yung mahaba na bali, kwento ni Are Jhae habang binubuksan yung parcel, nakabubble wrap talaga talagang wrap na wrap siya eh pagbukas niya napansin na niya yung ahas, akala niya freebies, toys ba na ano lang, kasi idineretso na niya pagsapit dun sa may ahas, gumalaw, yun na natakot na siya na totoo pa lang ahas," ani Ivan Christopher Reotan, bayaw ni Libunao.

ADVERTISEMENT
Isinilid sa isang plastic bottle ang maliit na ahas habang kaagad din pinatay ang mas malaking ahas na nasa isang metro ang haba.

"Nung time na yun vinedohan niya, pinicturan niya para maging aware din yung mga tao pagka nagrereceive ng item, kasi hindi biro 'yon heh" ani Reotan.

Ayon sa Department of Trade and Industry Region 3, wala pang nakakarating na reklamo sa kanilang tanggapan, pero malinaw na may paglabag ito sa Consumer Act of the Philippines.

"It has to be investigated and evaluated, ang pinaka-liable po diyan yung merchant kasi sa kanyan nanggalng yung product. Pwede po siyang magfile ng complain sa aming opisina o pwede sa DTI Bataan," ani DTI Region 3 information officer Warren Serrano.

Oras na matanggap ang formal complaint ay ipatatawag ng DTI ang merchant at ang parcel delivery service provider para makuha ang kanilang panig.

Nakipag-ugnayan na rin ang mismong online shopping store sa biktima at nagsasagawa na rin umano ng sarilng imbestigasyon.

-- Ulat ni Gracie Rutao
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT