Opisina ng online seller ng gadgets sinalakay ng mga pulis | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Opisina ng online seller ng gadgets sinalakay ng mga pulis

Opisina ng online seller ng gadgets sinalakay ng mga pulis

Wheng Hidalgo,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Sinalakay ng pulisya ang opisina ng isang online seller ng gadgets matapos ireklamong bato ang laman ng mga ipinapadala nitong parcel sa mga customer.

Nagsagawa ng surprise inspection ang Manila Bureau of Permits and Licensing Office (BPLO) at District Intelligence Division Special Mayor’s Reaction team (DID SMaRT) sa Apollo Electronics and Accessories Corp. sa second floor ng 1120 Otis Building sa Paco, Maynila nitong Martes ng hapon.

Ito'y dahil sa sumbong ng isang concerned citizen na may modus umano ang opisinang iyon at wala itong business permit.

Dito na naabutan ng mga awtoridad ang kahon-kahon ng items na nakabalot sa packaging ng isang kilalang parcel logistics.

ADVERTISEMENT

Nang buksan ito ng mga pulis, nadiskubre nilang mga tipak ng bato ang laman ng package. Ang iba naman ay cellphone.

Ayon kay Police Lt.Col. Rosalino Ibay, hepe ng DID SMaRT, cellphones, gadgets at iba pang electronic items ang ibinebenta ng kumpanya.

Nagbebenta umano ito ng branded na cellphones pero ibang brand o kaya ay bato ang natatanggap ng buyer.

Watch more in iWantv or TFC.tv

"Lumalabas na mayroon silang false information sa mga nilalabas nila sa mga commercial nila na 'yun ay malakas. At tumambad din sa amin na madaming return items sila doon sa establisyemento na pinasok namin," ani Ibay.

Dagdag pa niya, ang Apollo Electronics and Accessories Corp. ay may 35 sites ng online selling partner ng kilalang parcel logistics.

Marami rin umanong reklamo laban sa kumpanya dahil sa mga maling item na natatanggap ng buyers. Imbes na branded smart phone, ang natatanggap nila ay mga ordinaryong android phone.

Tumangging magbigay ng pahayag ang mga tauhan at ang may-ari ng kumpanya pero sa pakikipag-usap sa kanila ni Ibay, ipinaliwanag umano sa kanila na ang mga naka-pack na mga bato ay ginagamit lang nila para tumaas ang ratings ng seller.

Kaya iimbestigahan pa nila ang mga recipient na nakalagay sa parcel na may lamang bato, baka umano kasi fictitious names lang ang mga ito at ginagamit para magkaroon ng magandang comments at rating ang seller’s site.

"They have one address na kung saan doon lang bumabagsak but using different names at 'yun 'yung pinakikita nila na mataas 'yung rate nila sa pagkuha sa kanila ng mga parokyano nila," ani Ibay.

Hinahanap pa nila ang iba pang nabentahan ng Apollo at nananawagan sila sa mga naging biktima ng seller na ito para mas mapalakas ang kasong isasampa sa may-ari na isang Chinese national.

Kinunan na nila ng salaysay ang 4 na tauhan at may-ari ng kumpanya at ihahanda na nila ang kasong isasampa gaya ng estafa in relation to cybercrime law, paglabag sa Consumer Act of the Philippines at pag-ooperate ng negosyo na walang business at occupational permit.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.