PatrolPH

Babae nagulungan nang 3 beses ng sariling sasakyan

ABS-CBN News

Posted at Nov 05 2022 11:50 AM | Updated as of Nov 07 2022 08:42 AM

Malubha ang kondisyon ng isang babae sa Switzerland matapos siyang tatlong beses magulungan ng sarili niyang sasakyan.

Nangyari ang aksidente pagkatapos lumabas ng babae sa kaniyang sasakyan nang bukas pa ang makina nito, sabi ng pulisya doon nitong Biyernes.

Umalis sa kaniyang sasakyan ang 45 anyos na babae sa isang residential area sa St. Gallen para tanggalin ang nakaharang sa sasakyan, sabi ng regional police, base sa ulat ng Swiss news agency ATS.

Pero dahil bahagyang naka-angat ang sasakyan, bigla itong gumulong patalikod. 

Pinigilan pa umano ng babae ang sasakyan sa pag-andar pero natumba rin siya ang nagulungan sa unang beses.

Bumangga ito sa isa pang sasakyan at tumama sa kasalungat na direksiyon saka nagulungan ang babae sa ikalawang pagkakataon.

Di pa roon natatatapos dahil tumama naman sa sidewalk ang sasakyan dahilan para pumunta ito sa babae at ginulungan sa ikatlong beses. 

Tumama sa wakas sa isang kahoy na barrier ang sasakyan saka huminto.

Nasa ospital ang babae na may malubhang lagay. — Isinalin mula sa ulat ng Agence France-Presse

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.