PatrolPH

Lola patay matapos magulungan ng 10-wheeler truck sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Jun 23 2021 10:29 PM

PAVIA, Iloilo - Patay ang isang 64-taong gulang na lola matapos magulungan ng 10-wheeler truck sa Barangay Aganan, Pavia, Iloilo, Martes ng hapon.

Nakilala ang biktima na si Maria Tejada at nakatira sa lugar.

Sa imbestigasyon ng Pavia Police, biglang tumawid ang matanda sa kalsada at hindi namalayan ng driver dahilan upang magulungan ito ng truck.

Kaagad na dinala sa ospital ang biktima pero makaraan ang ilang oras ay namatay ito habang ginagamot.

Samantala, nasa kustodiya na ng Pavia Police ang driver ng truck matapos itong sumuko sa mga awtoridad. Nakatakda itong sampahan ng kaukulang kaso.

- ulat ni Rolen Escaniel

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.