VIRAL: Aso tila tumulong na ilibing ang namatay na tuta | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
VIRAL: Aso tila tumulong na ilibing ang namatay na tuta

ABS-CBN News
Published Oct 02, 2020 12:52 AM PHT

Naantig si Lenny Rose Ellema nang masaksihan ang alagang aso na tila tinulungan siyang ilibing ang namatay nitong tuta noong Setyembre 16 sa bayan ng Binmaley, Pangasinan.

Nanganak ng 5 tuta si Bettie ngunit nasawi ang isa rito dahil mahina ang katawan, nangangayayat, at hirap makadede, ayon kay Ellema.

Aniya, nang ililibing na niya ang tuta, humiga sa hukay ang aso at tila tinatakpan ang anak para hindi muna matabunan ng lupa.

“I gave her time po for the last na makikita niya anak nia. Tapos kusa na po siyang nagtakip no’n,” ani Ellema.

ADVERTISEMENT
Labis na nasaktan si Ellema sa eksena lalo’t naramdaman niya aniya ang sakit ng alagang namatayan ng anak.

“Iyak po ako nang iyak no’n kasi po ramdam ko ‘yong sakit niya pero no’ng nakita ko po ‘yong [pagtatabon ng lupa], natuwa ako sa kanya na naiiyak, awang-awa lang po ako sa kalagayan niya,” aniya.

Dagdag pa ni Ellema, matapos ang libing ay tila ayaw pang iwan ni Bettie ang lugar at napilitan siyang buhatin na ang alaga dahil ginagabi na sila.

“Nakakatuwa lang po na nakaka-proud kasi hindi ko naman po siya tinuturuan pero may gano’n siyang abilidad, mapagmahal na ina, kaya super proud po ako sa kanya,” saad niya.

Kuwento ni Ellema, hindi ito ang unang beses na animo’y tumulong sa paglilibing ng tuta si Bettie dahil ginawa na niya ito noon nang makunan.

Paliwanag ng dog trainer at dog behavior expert na si Brad Feliciano, maaaring instinct ng asong tabunan ng lupa ang tuta.

“[S]he has to cover the dead puppy because it’s already stinking or about to decompose. This behavior is a way of survival especially… For protection, for survival, they have to cover all this stinky stuff, it doesn’t matter if it’s a decomposing body or food because they wanna hide their tracks from other predators,” paliwanag ni Feliciano.

Aniya, likas sa ibang aso ang magtago ng mga bagay na mahalaga sa kanila gaya ng pagkain para maimbak ito at kalauna’y makain.

NAGLULUKSA BA ANG MGA ASO?
Maaaring nakararanas ang mga aso ng emosyong katulad ng grief o dalamhati ngunit ayon kay Feliciano, hindi ibig sabihing nagluluksa talaga ang mga ito.

“Do I think that it’s coming from a motherly love trying to mourn for her puppy? I highly doubt it but who knows, it might be that. I think it’s instinctive covering the tracks,” mungkahi ng eksperto.

Aniya, nakaugat ang nararamdamang kalungkutan ng mga aso sa biglaang pagbabago sa kanilang mga routine o nakagawian, gaya ng pagkawala ng kapwa aso o taong madalas makasama. Maging ang pag-iiba sa kainan ng aso ay maaaring magdulot din ng pagbabago sa emosyon nito.

“I’m not sure if I wanna use the term grieve but yes in the sense they would feel something very similar to it like looking for a lost friend,” dagdag ni Feliciano.

Anumang kalungkutan na nararamdaman ng aso ay kaakibat ng biglang pagkawala ng malaking bagay na bahagi noon ng pang-araw-araw na buhay nito, ayon kay Feliciano.

“If it’s a loss of a friend, a buddy, a human that’s been a constant companion for a dog for a very long time, it’s a huge change, they will try to find it... They’re trying to look for that whole routine that they used to have because it’s a sudden change,” sabi ni Feliciano.

SUPORTA SA ALAGA
Payo ng dog behavior expert, kung nakararanas ang aso ng kalungkutan, mas lalo pang pagurin ito kasabay ng pagbibigay ng masusustansiyang pagkain.

“Spend more time exercising them so they worry less, they’d rather rest… I can help them recover better if I try to keep them busy and physically exhausted. If you try to just let it be… that makes the dog go through depression and sadness... It helps them emotionally to be really tired,” ani Feliciano.

-- Ulat ni Bryan Reyes, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT