ALAMIN: Tips para mailigtas ang aso vs nakamamatay na canine distemper | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Tips para mailigtas ang aso vs nakamamatay na canine distemper

ALAMIN: Tips para mailigtas ang aso vs nakamamatay na canine distemper

Andrew Bernardo,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Umabot na umano sa higit 1,000 ang mga aso sa probinsya ng Marinduque na tinamaan ng canine distemper virus, isang malubhang sakit sa aso na karamihan ng tinatamaan ay namamatay.

Pinakamataas ang kaso sa bayan ng Mogpog na mayroong 200.

Pero ngayong linggo lang, nakapagtala ang Provincial Veterinary Office ng nasa 100 kaso ng canine distemper.

"Nasa 100 to 200 ang accounted namin more or less nakarating dito sa opisina pero province wide libo ang tinamaan. Nag-start 'yun bago mag-lockdown," ani Dr. JM Victoria, provincial veterinarian ng Marinduque.

ADVERTISEMENT

Nasa 20 na ang isinailalim sa euthanasia o pagpapatulog sa aso para hindi na maghirap pa ang mga ito.

"Hindi masyadong pinansin ng ibang may alaga ng aso, ang ginagawa nila nag-self medicate ng aso pagkatapos nag-consult sa mga dog lovers group sa Facebook until ma-realize nila nitong early part, napansin ng mga dog owners na masyado nang madaming affected na aso, may namamatayan ng lima, tatlo, apat at pinakaraming namatayan pito," paliwanag ni Victoria.

Airborne o sa hangin nakukuha ang canine distemper na naipapasa ng aso sa isa pang aso sa pamamagitan ng pagbahing.

Ilan sa palatandaan ng canine distemper ay ang pagmumuta, sipon, hirap sa paghinga, pangingisay, hirap kumilos, mahinang pagkain, pagsusuka, at pagtatae.

Nasa 80 porsyento naman daw ng tinatamaan ng sakit ay namamatay.

ADVERTISEMENT

"Nasa 80 percent ang mortality, 15 to 20 percent chances na mabuhay at pagkanaka-recover naman ang aso ay lifetime ang epekto nito sa aso, pag naka-recover siya mga 2 to 3 months puwede pa ring makahawa ang aso na nakarecover sa canine distemper," ani Victoria.

Nananawagan si Victoria na komunsulta sa talagang mga eksperto ang mga nag-aalaga ng aso para matulungan kung mayroong napapansing sakit ang kanilang alaga.

Iwasan din ilabas at ihalubilo ang alagang aso kung wala pa o hindi pa tapos ang vaccination nito.

"Kailangan magpabakuna pag ang aso ay edad 6 weeks old kailangan mabakunahan na siya iyung tinatawag na 5 in 1 o kaya 6 in 1 kasama na dun ang distemper... Binabakunahan sya nang 3 beses na 14 days ang interval. Meron itong annual booster taon-taon na babakunahan, preventive measure ba, walang specific treatment sa distemper," ani Victoria.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.