TINGNAN: Aso nagpuslit ng mga sulat ng drug transaction sa mga preso sa Panama | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TINGNAN: Aso nagpuslit ng mga sulat ng drug transaction sa mga preso sa Panama

ABS-CBN News
Published May 11, 2021 11:15 AM PHT

PANAMA CITY - Ilang linggo matapos makahuli ng pusang nagpupuslit umano ng droga, nakahuli naman ang mga awtoridad ng isang aso na nagpupuslit ng mga mensahe sa pagitan ng mga preso sa Panama.

Pinigil ang aso sa La Joya prison matapos makitang may nakasabit na mensahe sa kaniyang leeg, ayon sa prison head na si Andres Gutierrez.

Idinetalye sa sulat ang transaksyon sa hinihinalang droga at mga mensahe sa mga preso, sabi ni Gutierrez sa isang pahayag na may kasamang retrato ng isang aso katabi ng isang awtoridad na may hawak na pirasong papel.

Ang La Joya, na may 2,800 preso, ang ika-2 sa pinaka-mataong kulungan sa Panama.

ADVERTISEMENT
Maaalala na noong Abril ay may nahuling pusa na may bitbit umanong droga sa kaniyang katawan nang pumasok ito sa ibang kulungan. Nakatakdang dalhin sa pet adoption center ang nasabing pusa.

Dati na umanong nakagawian ng mga preso sa lugar na idawit ang mga hayop sa kanilang mga krimen.

Ayon sa mga opisyal, dati nang nang-aakit ng mga hayop ang mga preso gamit ang pagkain kapag sinabitan na ang mga ito ng droga.

Aabot sa 18,000 preso ang nakakulong sa 23 kulungan sa Panama, kung saan karamihan ay matao.

Dati na rin nakahuli ang mga awtoridad ng mga drug delivery gamit ang mga kalapati at mga drone.

"We continue to strengthen security to prevent this type of anomaly from occurring," ani Gutierrez.

-- Isinalin mula sa ulat ng Agence France-Presse
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT