Pusa huli sa tangkang pagpuslit ng droga sa kulungan sa Panama | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pusa huli sa tangkang pagpuslit ng droga sa kulungan sa Panama

Pusa huli sa tangkang pagpuslit ng droga sa kulungan sa Panama

ABS-CBN News

Clipboard

Nahuli ng mga awtoridad sa Panama kamakailan ang isang pusa na nagtangka umanong maguslit ng ilegal na droga sa isang kulungan.

Naharang noong Biyernes ang puting pusa sa labas ng Nueva Esperanza jail, kung saan nakapiit ang 1,700 preso, sa probinsiya ng Colon.

Ayon kay Andres Gutierrez, tagapamuno ng Panama Penitentiary System, nakitang nakatali sa leeg ng pusa ang puting tela na may mga nakablot na puting powder at mga dahon.

Posibleng cocaine at marijuana ang nakita sa leeg ng pusa, sabi ng isa pang opisyal.

ADVERTISEMENT

Hindi ito ang unang pagkakataong nahuli ang isang hayop sa parehong krimen.

Karaniwang nilalagyan ng mga tao mula sa labas ng presinto ng ilegal na droga ang mga hayop, na siya namang inaakit ng mga preso gamit ang pagkain.

Dati'y naharang na ng mga awtoridad sa Panama ang mga kalapati at drone na nagtangkang magpasok ng droga sa mga kulungan.

Sinabi ng tanggapan ng drugs prosecutor ng Colon na iniimbestighaan na nito ang paggamit ng mga hayop para makapuslit ng ilegal na droga sa Nueva Esperanza jail.

Dadalhin umano ang nahuling pusa sa isang pet adoption center.

— Isinalim mula sa ulat ng Agence France-Presse

FROM THE ARCHIVES:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.