Ilang Pinoy humabol sa pagpalit ng mga papel na salapi | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang Pinoy humabol sa pagpalit ng mga papel na salapi

Ilang Pinoy humabol sa pagpalit ng mga papel na salapi

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kahit walang pasok sa gobyerno, nagbukas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Martes para sa mga nais magpapalit ng lumang pera.

Nagbukas mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali ang mga sangay ng BSP para mabigyan ng pagkakataon ang mga nais magpapalit ng old bank notes o lumang perang papel sa New Generation Currency.

Isa sa mga humabol sa pagpalit si Junmark Manasis.

"Nakita namin may pera pa, sayang naman kaya dere-deretso na akong pumunta dito," ani Manasis.

ADVERTISEMENT

Ang ilan sa mga tumungo sa tanggapan ng BSP ay mayroon nang bagong salapi pero bumalik matapos makahanap ng puwede pang ipagpalit.

Hanggang Disyembre 29 ang palugit bago tuluyang mawalan ng halaga ang lumang serye ng mga salapi.

Layunin ng kaunting pagbago sa disenyo ng bank notes, gaya ng pagkakaroon ng Braille marks at pagpapalit ng font size, na labanan ang pamemeke ng salapi.

Bukod sa bank notes, sinimulan na ring paikutin ang mga bagong P5, kasabay ng anibersaryo ng kapanganakan ni Andres Bonifacio noong Nobyembre 30.

Subalit may ilang nalilito sa bagong barya dahil kakulay at halos kasing-sukat nito ang piso.

Ayon sa BSP, tiniyak nilang iba ang disenyo ng bagong P5 sa umiiral na barya.

"Ang mga bago na inilalabas natin, tina-try natin na wala dapat magkamukha sa ini-issue natin," ani Gratia Malic, deputy director ng BSP Currency Issue and Integrity Office.

"Sa tingin siguro nila parang magkamukha dahil hindi pa nila na-familiarize ang sarili nila sa [bagong] coin," dagdag ni Malic.

Dagdag ng BSP, mapapalitan na rin ang iba pang barya sa susunod na taon.

-- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.