Lumang serye ng salapi, maaaring papalitan hanggang Disyembre 29 lang | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lumang serye ng salapi, maaaring papalitan hanggang Disyembre 29 lang

Lumang serye ng salapi, maaaring papalitan hanggang Disyembre 29 lang

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 11, 2017 10:13 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Mahaba-haba ang pila sa sangay ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa East Avenue, Quezon City para magpapalit ng lumang pera.

Hindi na kasi tinatanggap ang mga lumang serye ng salapi o old bank notes sa mga tindahan, mall, at iba pang establisimyento.

Matagal nang nag-abiso ang BSP na palitan ang lumang serye, pero mayroon pa ring humahabol ngayong ilan araw na lang ang deadline.

Hanggang Disyembre 29, 2017 na lang ang palugit bago tuluyang mawalan ng halaga ang old bank notes.

ADVERTISEMENT

Tatlong beses nang pinalawig ngayong taon ang deadline para ipapalit ang lumang bills.

Tinatanggap ang lumang bills sa BSP cash department sa Maynila, Quezon City at sa regional offices at branches.

Sakto din ang deadline sa paglabas ng bagong serye ng salapi ng BSP ngayong buwan.

Nauna na ring naglabas ng mga bagong barya kung saan bida sina Gat Andres Bonifacio at Heneral Antonio Luna.

Isinasagawa ang pagpapalit ng disenyo ng pera bilang seguridad laban sa pamemeke nito.

-- Ulat ni Warren De Guzman, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.