SSS may bagong savings program simula Enero 2021 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

SSS may bagong savings program simula Enero 2021

SSS may bagong savings program simula Enero 2021

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 25, 2020 09:18 PM PHT

Clipboard

Higit 3 dekada nang naghuhulog sa Social Security System (SSS) si Leonardo Sayson.

Sa edad na 69, pensiyonado na siya ng wala pang P5,000 kada buwan.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Hiling ni Sayson na madagdagan ang pensiyon dahil kulang daw ito sa gastusin niya kahit wala pa naman siyang iniindang sakit sa ngayon.

"Pandagdag sana pambili ng pagkain at ibang pangangailangan," ani Sayson.

ADVERTISEMENT

Pero binaril na ng SSS ang hirit na dagdag-P1,000 sa pensiyon ng mga retirado.

Mababawasan daw kasi ng 10 taon ang buhay ng pondo kung ibibigay ang pension hike.

Sa halip, inilunsad ng SSS ang Workers' Investment and Savings Program (WISP), kung saan pasok ang mga kumikita ng lagpas P20,000 kada buwan.

Simula Enero 2021, obligado nang kakaltasan ang mga kuwalipikado sa programa.

"It's a provident fund, it's another layer, it's your second layer of protection. Additional benefits ito to supplement your pension benefits," paliwanag ni Joy Villacorta, vice president ng benefits administration ng SSS.

Aminado ang SSS na hindi sapat ang kasalukuyang pensiyon kaya kumbaga, mayroong dagdag na paghuhugutan ang mga manggagawa sa panahon ng kanilang retirement.

Bukod sa higit P20,000 sahod, puwede ring sumali sa programa ang mga overseas Filipino worker, self employed, at voluntary members.

Tiniyak ng SSS na i-invest nila nang maayos ang savings para lumago ang ipon ng kada miyembro at may dagdag-benepisyo sa pag-retiro.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.