PERA muling inilunsad ng BSP para makatulong sa pag-iipon bago magretiro | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PERA muling inilunsad ng BSP para makatulong sa pag-iipon bago magretiro

ABS-CBN News
Published Sep 13, 2020 02:09 PM PHT
|
Updated Sep 13, 2020 06:03 PM PHT

Dating construction worker at nag-maintenance sa railways ang 67 taong gulang na si Amado Juico, na may maliit umanong suweldong pinagkakasya para sa 6 na anak.

Ngayong reitrado na, wala umanong ipon si Juico at wala rin pensiyon.

Tanging ang kinikilta lang nila ng kaniyang asawa sa maliit na tindahan ang pinantutustos sa pang-araw-araw na gastusin.

Kamakailan, isinagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang digital re-launch ng Personal Equity and Retirement Account (PERA), na layong tulungan ang mga manggagawa na maging handa at makapag-ipon sa pagreretiro.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, sa minimum na P1,000, puwede nang magbukas ng PERA account.

Nasa P200,000 kada taon ang maximum na puwedeng i-invest ng mga overseas Filipino, habang P100,000 naman sa mga nagtatrabaho dito sa bansa.

Maaaring ipadaan ang PERA investment sa mga sumusunod na website:

Ayon sa BSP, 8 sa bawat 10 retiree ang walang pensiyon.

Ang 2 retiree naman na may nakukuhang pensiyon mula sa Social Security System at Government Service Insurance System ay nakatatanggap lamang ng P5,000 hanggang P18,000 kada buwan.

Aminado si Bangko Sentral Governor Benjamin Diokno na kulang ang naturang halaga, lalo na kung may iba pang gastusin ang mga senior citizens tulad ng para sa gamot.

Mahalaga umanong may sapat na ipon ang mga Pinoy para may pera sa oras na magretiro na sila. -- Ulat ni Warren de Guzman, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
finances
retirement
retirement benefits
savings
Bangko Sentral ng Pilipinas
Personal Equity and Retirement Account
pensiyon
ipon
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT